Hi, how can we help?

[My Account] Why was my account deletion request rejected?

 

For the English version of this article, click here.



Narito ang mga posibleng dahilan kung bakit ang iyong account deletion request ay rejected: 

 

1. Ang iyong account ay limited/restricted. 

Alamin kung bakit ang iyong account ay naging limited/restricted at paano mag-request ng account activation.

 

2. Ang iyong phone number ay nagamit na nang maraming beses upang mag-register ng Shopee accounts.

Kontakin ang Shopee Customer Service upang makapagbigay ka ng impormasyon kung bakit nagkaroon ng multiple signups na konektado sa iyong phone number.

 

3. Mayroon kang ongoing orders, o return/refund request.

Bago mag-request ng account deletion, siguraduhin na ang lahat ng iyong orders ay kumpleto na, kabilang na yung mga kasalukuyang idine-deliver pa lang o yung mga ipino-proseso pa para sa return/refund. 

 

Itinuturing lamang na kumpleto na ang isang order kung ang transaction ay matagumpay nang nagawa (hal., ang refund ay naibigay na sa buyer, o ang payment ay natanggap na ng seller).

 

4. May laman pa ang iyong ShopeePay balance o mayroon pang ongoing transactions. 

Maaari ka lamang mag-request ng account deletion kung ang iyong ShopeePay balance ay zero. Kung mayroon ka pang existing balance, i-withdraw ang iyong ShopeePay balance papunta sa iyong bank account.

 

Tiyakin na ang lahat ng ongoing transactions, gaya ng ShopeePay balance withdrawal/transfer, ay kumpleto na bago mag-request ng account deletion.

 

5. Lumagpas ka na sa account deletion limit.

Dalawang beses mo lamang maaaring i-delete ang isang account na ginawa gamit ang iisang phone number.

 

Halimbawa, kung unang beses kang nag-delete ng account at muli kang nag-sign up gamit ang parehong phone number, isang beses mo na lamang ito maaaring i-delete muli. Kapag ikaw ay nag-sign up muli sa pangatlong beses gamit ang parehong phone number, hindi mo na magagawang i-delete pa ang account. 

 

6. Mayroon kang SPayLater bill sa Shopee.

Siguraduhin na ikaw ay wala nang outstanding SPayLater bills bago ka mag-request ng account deletion. Alamin kung paano bayaran ang SPayLater bills.

 

7. Mayroong kang open case sa Shopee.

Kapag ang case ay na-resolve, maaaring magproceed sa pagdelete ng iyong request.

Was this article helpful?
Yes
No