Hi, how can we help?

[Notifications] Why was I notified about suspicious interactions with sellers? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Kung ikaw ay nakatanggap ng in-app notification na nagsasabi na may napansing kahina-hinala o di-pangkaraniwang interaksyon sa pagitan ninyo ng seller, ito ay nangangahulugan na may nakitang possible fraudulent activities ang Shopee sa mga pag-uusap ninyo ng seller. Dapat mong iwasan na makisali sa mga fraudulent activities upang maiwasan na masuspinde ang iyong account.


Ang pakikipagsabwatan sa seller upang dayain ang Shopee at makalamang sa ibang Shopee users ay isang uri ng panloloko na labag sa mga policy ng Shopee, na pwedeng magresulta sa account suspension.


Hindi dapat na makipag-usap at makipag-tulungan sa mga seller, sa loob o labas man ng Shopee official platforms, para lamang makalamang at manloko. Kabilang sa mga halimbawa ng panloloko ang:

  • Hindi normal na pagpapataas ng shop’s rating

  • Pang-aabuso sa mga shop promotions 

  • Pang-aabuso sa mga shipping promotions

  • Pagsali sa mga transaksyon sa labas ng Shopee official platforms, kabilang na ang mga offline transaction


Upang matiyak ang patas at magandang shopping experience para sa lahat ng Shopee user, isususpinde ang account ng sinumang user na napatunayang lumabag sa Shopee policy sa pakikipagsabwatan sa mga sellers.

Was this article helpful?
Yes
No