For the English version of this article, click here.
Maiiwasan ang anumang problema o abala sa paggamit ng Shopee App promotions, games, checkout, o iba pang transaction issues sa pamamagitan ng pag-update ng iyong Shopee App sa latest version nito.
Kung ang iyong app ay hindi updated, i-check kung ito ay nasa latest version sa pamamagitan ng pagpunta sa Google Play/App Store > hanapin ang Shopee > i-check kung ang iyong Shopee App ay kailangan nang i-update.
For iOS (via App Store)
Pindutin ang iyong profile icon sa bandang itaas ng screen > i-scroll upang makita ang mga pending updates at release notes > Pindutin ang Update katabi ng app icon.
For Android (via Google Play Store)
Pindutin ang iyong profile icon sa upper-left corner ng screen > Piliin ang Settings > Network Preferences > Pindutin ang Auto-update apps > Pumili ng nais na paraan para mag-update ng mga app > OK > I-search ang Shopee App > Pindutin ang Update.