For the English version of this article, click here.
Gaya ng maraming websites at social media platforms, hinihikayat ng Shopee ang paggamit ng malakas na password at ShopeePay PIN sa aming platform upang maprotektahan ang iyong account.
Ang pagpili ng isang malakas na password ay hindi basta-basta, at ang mga pinaka-malalakas na password at ShopeePay PIN ay yaong madaling tandaan pero mahirap hulaan. Para makagawa ng password at ShopeePay PIN na mapapangalagaan ang iyong account, iminumungkahi namin ang mga sumusunod na tips:
Sundin ang mga password requirement
Hindi bababa sa 8 Characters — mas maraming characters, mas maigi
Magkahalong uppercase at lowercase letters — ang kombinasyon ng iba’t-ibang klase ng characters ay gagawing mahirap na mahulaan ang iyong password
Gawing epektibo ang iyong Password at ShopeePay PIN
Gumawa ng isang unique password o ShopeePay PIN — gumamit ng magkakaibang password at ShopeePay PIN para sa mga importanteng account, gaya ng iyong email at mga platforms na ginagamit sa payments
Huwag gumamit ng mga personal information gaya ng phone numbers, birthdays, anniversaries, atbp.
Huwag gumamit ng mga repeated numbers o sequences gaya ng "abcd", "0000" o mga keyboard sequences tulad ng "qwerty", "147852"
⚠️Tandaan Hindi namin hihingiin ang iyong password o ShopeePay PIN. Ang Shopee ay hindi hihilingin na ibigay mo ang iyong password o ShopeePay PIN via phone call, social media messaging apps, email, o Shopee chat. Hindi ka namin uutusang mag-download ng anuman o mag-log in sa isang non-Shopee website. Laging i-check kung ang gamit mo ay ang https://shopee.ph/ website sa pag-login. |
Ano ang dapat gawin kung sa tingin ko’y na-hack ang aking account?
Kung hindi ka makapag-log in o makagawa ng mga sensitive actions sa iyong account gaya ng ShopeePay withdrawal o checkout, kontakin ang Shopee Customer Service. Maaaring nakita namin na may pagtatangka sa iyong account security at gumawa kami ng paraan upang pigilan ito.
Kung naibigay mo ang iyong Password o ShopeePay PIN sa sinuman, mabuting mag-log in upang agad na ma-reset ang iyong password at ShopeePay PIN. Kung hindi mo na magawang mag-log in, agad na kontakin ang Shopee Customer Service.
Kung nakalimutan mo ang iyong password, pindutin ang Forgot Password sa login page at sundin ang mga hakbang upang i-reset ang iyong password.
Kung nalimutan mo naman ang iyong ShopeePay PIN, pindutin ang Change ShopeePay PIN o ang Forgot ShopeePay PIN at sundin ang instructions upang i-reset ang iyong PIN.
Alamin kung paano palitan ang iyong password.