For the English version of this article, click here.
Ang Courier Allocation Process ay isang feature sa loob ng system ng Shopee na nagtatalaga ng pinaka-angkop na courier batay sa iba’t-ibang criteria tulad ng lokasyon ng buyer, mga lugar na serviceable ng courier, at couriers na nominated ng Seller.
Sa ibaba ay ang mga Q&A na may kaugnayan sa pag-update ng shipping system:
Q: Bakit in-update ng Shopee ang system para sa mga shipping services?
A: Ang Courier Allocation Process ay naglalayong mabigyan ka ng access sa pinaka-angkop na courier service para sa iyong mga order. Sa system na ito ay makapagbibigay ang Shopee ng pinakamura at pinakamahusay na serbisyo sa lahat ng oras upang makapagdulot ng mas magandang buyer experience.
Q: Ang mga pagbabago bang ito ay gagawing mas mahal ang shipping para sa akin?
A: Ang halaga ng shipping ay depende pa rin sa uri ng piniling delivery service, tingnan sa ibaba ang mga factors na kinokonsidera sa pagpili ng courier allocation:
Q: Ano ang makikita ko sa App?
A: Sa halip na ang listahan ng mga available courier, ang mga Standard shipping option ang makikita sa App depende sa iyong lokasyon. Habang ang Sulit Local naman ay para sa mga malalaking item.
Q: Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Standard Local at Standard Delivery?
A: Ang Standard local ay isa sa mga delivery options para sa Courier Allocation Process na naga-allocate ng lahat ng Shopee Supported Logistics sa ibaba.
Q: Paano kung hindi ako nasiyahan sa courier na nakatalaga sa aking order?
A: Kung ang seller ay may iba pang assigned courier na maaaring humawak sa iyong delivery address at parcel dimension, pwede mong palitan nang isang beses ang allocated courier sa loob ng isang oras matapos courier allocation o hanggang ang seller ay mag-book na ng order pick-up, anuman ang mauna Ang pagpapalit ay pinapayagan lamang para sa Standard Option.
Q: Paano ko mapapalitan ang courier na naka-assign sa aking order?
A: Ang pagpapalit ay maaaring gawin sa Order Details > Shipping Information. Pindutin nag ang Change button, at pumili ng ibang courier na kayang magdelivery ng iyong order.
Q: Magagamit pa ba ang Free Shipping Voucher (FSV)?
A: Oo, maaari pa ring magamit ang mga FSV alinsunod sa mga terms at condition.