For the English version of this article, click here.
Q: Maaari ko bang gamitin ang Cash-on-delivery (COD) para sa aking mga Japan Overseas order?
A: Hindi, maaari mong gamitin ang lahat ng payment option maliban sa COD. Hindi available ang COD option para sa Japan Overseas order.
Q: Paano ko mata-track ang aking order mula sa Japan?
A: Bukod sa pag-track ng iyong order gamit ang Shopee App, maaari mo ring ma-track ang iyong mga order mula sa Japan sa pamamagitan ng Aftership o via PhilPost.
Q: Ano ang gagawin ko kung hindi ko matatanggap ang aking order?
A: Kung hindi ka available sa araw ng delivery, kailangan mong makipag-ugnayan sa PhilPost kung maaaring ipadala muli ang parcel.
Q: Nakatanggap ako ng notification na bayaran ang Customs Duties and Taxes, ano ang gagawin ko?
A: Kakailanganin mong bayaran ang customs duties and taxes. Maaaring nasa Custom na ang mga parcel at kailangan i-self-pick-up.
Q: Ano ang Presentation to Customs Charge (PTCC)?
A: Ito ay service charge ng PhilPost para sa bawat parcel. Maaari mo ring i-validate ang charge sa pamamagitan ng pag kontak sa PhilPost.
Q: Ano ang gagawin ko kung ang aking lugar ay hindi serviceable ng PhilPost?
A: Siguraduhing i-check ang listahang ito upang makita kung ang iyong lugar ay serviceable ng PhilPost. Kung unserviceable ang iyong lokasyon, kakailanganin mong kunin ang iyong order sa pinakamalapit na serviceable area. Tandaan na maaaring magkaroon ng mga additional cost.