Hi, how can we help?

Why do I need to set up multiple verification methods? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang paglalagay ng multiple verification method ay makakatulong upang maiwasan ang unauthorized actions kapag natuklasan ng Shopee na may mali sa iyong account.


Halimbawa, kapag napansin ng Shopee na may kakaiba sa iyong pag-log in, maaari kang hingian ng code na ipapadala sa iyong email o phone. 


Verification-gif-1-Verification-code-required-on-Shopee-App-TAG.gif


Sa ganitong paraan, masisigurado namin ang iyong identity at mapoprotektahan ang iyong confidential data. 


Narito ang mga paraan ng verification para sa iyong Shopee account:

  1. Phone number

  2. Email address

  3. Account password

  4. ShopeePay PIN

  5. Facial recognition (para sa mga iOS user lamang)



Phone Number, Email Address, and Account Password

Para maglagay o mag-update ng iyong verification: Pumunta sa Me tab>  Pindutin ang ⚙ icon > Account & Security> Maglagay ng Phone, Email, at Password sa Shopee App.


Verification-gif-2-[my-profile]-Updating-more-verification-methods-on-Shopee-App-TAG.gif


ShopeePay PIN & Facial Recognition

Ito ay maaaring i-set up sa ShopeePay. Ang verification method na ito ay ginagamit para sa mga ShopeePay transactions,  at maaari ding gamitin para sa pag-verify ng iyong identity sa iyong Shopee account logins o iba pang actions kaugnay ng iyong account security


  • PIN number

Para i-set up ang ShopeePay at ang iyong PIN number, kailangan mo munang maglagay ng iyong phone number sa ganitong paraan: Me Tab > ShopeePay > Setup ShopeePay


Verification-gif-3-[setting-shopeepay]-TAG.gif


Kapag nai-set up mo na ang ShopeePay, ugaliing palitan ang iyong ShopeePay PIN upang matiyak ang seguridad ng iyong account: Pumunta sa Me tab > ShopeePay > Pindutin ang o ang settings icon > Change ShopeePay PIN.


Verification gif 4 [ShopeePay Pin] TAG.gif


  • I-verify ang iyong ID details

Sa paglalagay ng valid at tamang detalye ng iyong identification card (ID) , maaari ka nang ma-verify at magamit ang iba pang ShopeePay functions gaya ng facial recognition for verification. Pumunta lamang sa Me tab > ShopeePay > Pindutin ang settings icon > ID Verification. Kailangan mong mag-upload ng litrato ng iyong ID at ng iyong mukha.


Verification-gif-5-[id]-TAG.gif 


⚠️ Tandaan

Huwag ibahagi ang verification codes o links sa sinuman, kabilang na ang mga Shopee staff. Hindi namin ito hihingiin sa iyo. 

• Punan lamang ang mga code o gamitin ang mga link kung ito ay mula sa Shopee App o sa Shopee website. 

• Kung sakaling mayroong nais magpalit ng iyong ShopeePay Wallet PIN gamit ang bagong device, maaaring makatanggap ka ng SMS. Ito ay para ipaalam sa iyo na may nais palitan ang iyong ShopeePay Wallet PIN.



**BABALA: Kamakalilan, ang mga scammer ay nagkukunwaring galing sa Shopee o di kaya’y organisasyon na alam mo, at sinasabi na ikaw ay nanalo. Kung hindi ka sigurado tungkol sa impormasyong natanggap, putulin agad ang usapan at kontakin ang Shopee upang makatiyak.**

Was this article helpful?
Yes
No