For the English version of this article, click here.
Ang iyong mobile number na iyong ipinasok ay maaaring naka-link na sa ibang existing Shopee account
Sa Shopee, isang mobile number lamang ang pwedeng i-register sa isang Shopee account. Dahil ang mga mobile number ay maaaring i-recycle ng mga service providers, posibleng ang iyong mobile number ay dating pag-aari ng ibang tao.
Kung mayroon kang Shopee account na may magkaparehong mobile number, mag-log in sa iyong kasalukuyang account upang patuloy itong magamit. Kung ang account ay hindi sa iyo, huwag mag-alala, ibig sabihin lamang ay outdated na ang information na nasa aming system. Ang dating may-ari ng numero ay walang anumang access sa Shopee account na iyong ginawa gamit ang bagong mobile number.
Gayunman, kung hindi ka makagawa ng bagong Shopee account o di mapalitan ang iyong mobile number, subukang gumamit ng ibang mobile number.