For the English version of this article, click here.
Mayroong 2 scenarios kung saan maaari kang mag-upload ng mga litrato/videos sa Shopee App mula sa iyong mobile device:
1. Paghahanap ng mga produkto sa pamamagitan ng pag-upload o pagkuha ng litrato
Upang gawin ito, pindutin ang camera icon sa kanang bahagi ng search bar ng Shopee App homepage > Kumuha ng litrato o di kaya’y pumili ng larawan mula sa gallery ng iyong device.
2. Pagpapadala ng litrato/video via Shopee Chat
Pindutin ang napiling chat > Pindutin ang add icon/+ > Pindutin ang Gallery para pumili mula sa iyong gallery o camera para kumuha ng litrato.
⚠️Tandaan • Maaari kang magpadala ng hanggang 9 na files (litrato at video) sa isang message. • Ang haba ng video ay dapat na higit sa 1 second at di lalagpas sa 3 minutes. • Ang maximum video size ay 30 MB |