For the English version of this article, click here.
Q: Maaari ba akong makakuha ng sukli kung ang kabuuang presyo ng binili ay mas mura kaysa sa Shopee Gift Card?
A: Hindi po. Kung ang kabuuang presyo ng binili ay mas mababa kaysa sa halaga ng Shopee Gift Card, hindi ibibigay ang sobrang halaga.
Q: Maaari ko bang gamitin ang Shopee Gift Card Code para sa anumang item na binili ko sa Shopee?
A: Ito ay depende sa voucher type na ibinigay sa recipient. Mayroong 2 types ng voucher:
Shopping Voucher - Maaaring gamiting pambili o pambayad sa mga item mula sa kahit anong seller sa Shopee (e.g. Shopee Mall, Shopee Mart, Preferred Sellers, atbp.)
Load, Bills, and E-Vouchers - Magagamit na pambayad sa Digital Product ng Shopee (e.g. Mobile Load & Data, Bills Payments, Games, Hotels, at ShopeePay Deals).
Tandaan lamang na maaaring may ilang produkto at shop ang hindi maaaring gamitan ng voucher
Q: Hindi na magagamit ng recipient ang Gift Card. Maaari ko bang itong ma-refund?
A: Ang mga Shopee Gift Card ay non-refundable. Papayagan lamang namin ang mga refund nang mahigpit para sa mga sumusunod na dahilan:
1. Ang halaga ng gift card na natanggap ay hindi tugma/iba sa kung ano ang binili.
2. Mali ang uri ng gift card na natanggap.
3. Ang code na natanggap ay hindi gumagana kahit na ito ay valid pa.
4. Ang code ay napatunayang nagamit nagamit sa panloloko
Upang humiling ng refund, maaari kang makipag-ugnayan sa aming Customer Service para sa karagdagang tulong.
Q: Maling detalye ng recipient ang nailagay ko. Maaari ko bang ilipat ang gift card sa ibang recipient?
A: Hindi po. Ang Shopee Gift Cards ay non-transferable. Tiyaking tama ang mga detalye ng recipient bago i-finalize ang iyong order.
Q: Maaari ko bang i-share ang Shopee Gift Card Code sa ibang tao?
A: Maaari mong i-share ang Shopee Gift Card Code sa sinuman, ngunit tandaan na ang bawat code ay maaari lamang ma-redeem nang isang beses. Pindutin lamang ang Share Gift Card Code kung sakaling maiwala ng recipient ang kanyang code. Alamin ang iba pa dito.
Q: May transaction fee ba?
A: May additional fee na idaragdag para sa bawat transaksyon. Ang halaga ay depende sa presyo ng Gift Card na binili.
Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee Gift Card.