Hi, how can we help?

What are supporting documents required during a dispute in Return/Refund? (TAG)

For the English version of this article, click here



1. Non-receipt Claim

Ang burden ng proof ay nasa seller lamang.

 

Kapag sinabing buyer na hindi niya natanggap ang (mga) produkto at nag-raise ng non-receipt claim, ang payment ay hahawakan ng Shopee. Kung makakapagbigay ang seller ng valid shipping proof, ang request ng buyer ay ide-deny. Maaari lamang mag-raise ng dispute kung nireject ng seller ang claim sa pamamagitan ng “Submit Dispute to Shopee” function. Kukunin ng Shopee ang mga supporting documents mula sa seller.

 

Supporting documents mula sa seller:

  • Pormal na shipping proof (i.e. delivery receipt at tracking number kung mayroon).

  • Litrato ng parcel package/information, kabilang ang impormasyon ng delivery company, tracking number, pangalan ng seller at buyer, contact number, at shipping address.

  • Chat history o anumang iba pang ebidensya na nagpapakita ng naunang negosasyon.

 

 

2. Normal Returns Disputes

 

a) Hindi sumang-ayon ang seller sa return request

Ang burden ng proof ay nasa buyer lamang.

Kapag natanggap ng buyer ang kanyang (mga) produkto na iba ang kondisyon (i.e. nasira/may sira o iba sa seller’s description), ang payment ay hahawakan ng Shopee. Ang buyer ay kailangan magbigay ng mga litrato at/o video evidence nagpapakita ng dahilan para sa refund. Maaari lamang mag-raise ng dispute kung hindi sang-ayon ang seller sa pag return gamit ang “Submit Dispute to Shopee” function. Hihingi ang Shopee ng mga supporting documents mula sa buyer.

 

Supporting documents mula sa buyer:

  • Mga litrato ng (mga) produkto na nagpapakita kung saan may damage at/o mali.

  • Patunay na sinubukang lutasin ang return dispute sa seller (i.e. chat history).

  • Chat history o anumang iba pang ebidensya na nagpapakita ng naunang negosasyon.



b) Sumang-ayon ang seller sa return request ngunit hindi natanggap ang (mga) produkto

Ang burden ng proof ay nasa buyer lamang.

Kung nagkasundo ang buyer at seller sa return request at sinabi ng seller na hindi nito natanggap ang (mga) produkto, kakailanganin ng buyer na magbigay ng valid shipping proof upang makakuha ng refund.

 

Supporting documents mula sa buyer:

  • Pormal na shipping proof (i.e. delivery receipt at tracking number kung mayroon). 

  • Litrato ng parcel package/information, kabilang ang impormasyon ng delivery company, tracking number, pangalan ng seller at buyer, contact number, at shipping address. 

  • Chat history o anumang iba pang ebidensya na nagpapakita ng naunang negosasyon.

 

 

3. Change of Mind Disputes

 

a) Hindi sumang-ayon ang seller sa return request

Ang burden ng proof ay nasa buyer lamang. 

 

Kapag natanggap ng buyer ang kanyang (mga) produkto, ang payment ay hahawakan ng Shopee. Ang buyer ay kailangan magbigay ng mga larawan at/o video evidence nagpapakita na ang produkto ay nasa orihinal na kalidad at dami nito. Maari lamang mag-raise ng dispute kung hindi sumasang-ayon ang seller sa pag return gamit ang “Submit Dispute to Shopee” function. Hihingi ang Shopee ng mga supporting documents mula sa buyer.

 

Supporting documents mula sa buyer:

  • Mga litrato at/o video ng (mga) produktong na nagpapakita ng orihinal na kalidad at dami nito bago ito ibalot para sa return.

  • Mga larawan at/o video ng (mga) produkto na naka-pack sa returns package.



b) Sumang-ayon ang seller sa return request ngunit hindi natanggap ang (mga) produkto

Ang burden ng proof ay nasa buyer lamang. 

 

Kung nagkasundo ang buyer at seller sa return request at sinabi ng seller na hindi niya natanggap ang (mga) produkto, kakailanganin ng buyer na magbigay ng valid shipping proof upang makakuha ng refund.

 

Supporting documents mula sa buyer:

  • Pormal na shipping proof (i.e. delivery receipt at tracking number kung mayroon). 

  • Litrato ng parcel package/information, kabilang ang impormasyon ng delivery company, tracking number, pangalan ng seller at buyer, contact number, at shipping address. 

  • Chat history o anumang iba pang ebidensya na nagpapakita ng naunang negosasyon



4. Additional Information

 

a) Lost Mail

Inirerekomenda ng Shopee na ipadala ang lahat ng mga package gamit ang registered mail upang maiwasan ang anumang lost shipments. Gayunman, kung mayroong kasunduan sa pagitan ng magkabilang partido na gumamit ng normal mail, huwag kalimutang itago ang iyong shipping receipt kung sakaling magkaroon ng claim na hindi natanggap.

 

Tandaan na ang anumang unang kasunduan ay siyang kikilalanin. Halimbawa, kung sumang-ayon ang seller na gumamit ng registered mail ngunit sa halip ay normal mail ang ginamit, ang seller ang magiging responsable para sa nawalang mail. Ire-refund sa buyer ang buong halaga kahit na makapagbigay ang seller ng valid delivery proof.



b) Evidence Quality

Kung ikaw man ang buyer o seller, ang kalidad ng iyong ebidensya ay dapat na malinaw. Kapag nag-raise ng dispute, magkakaroon ka lamang ng 24 oras upang isubmit ang iyong evidence, kung hindi, ang payment ay ibibigay sa manalong partido. Sa anumang kaso, kung ang ebidensyang ibinigay ay hindi malinaw na nakikita, aabisuhan ka ng Shopee na hindi ito tatanggapin. Magkakaroon ka ng karagdagang 24 oras para magbigay ng bagong evidence o ibibigay ng Shopee ang payment na hawak sa Shopee.

 

*Ang bilang ng mga araw ay maaaring mag-iba sa bawat market.



c) Return Shipping Cost

Ang mga return na ini-arrange sa in-app gamit ang Drop off (sa pamamagitan ng J&T Express) ay walang bayad.

 

Para sa Self-arranged returns, ang buyer ay kailangan magbayad muna para sa shipping fee at ire-reimburse ito kasama ng refund kapag ang item ay natanggap na ng seller.

 

 

Alamin kung paano mag-raise ng return at refund request.

Was this article helpful?
Yes
No