For the English version of this article, click here.
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga technical issue sa Shopee App, gaya ng problema sa pag-load ng mga page, payment na hindi pumapasok, hindi makapag-lagay ng produkto sa cart, o hindi makapagpadala ng mensahe gamit ang Shopee Chat, subukan ang mga sumusunod na basic troubleshooting techniques:
Troubleshooting App issues
I-close at buksan muli ang Shopee App (i-force close ang application kung kinakailangan).
I-clear ang Shopee App cache sa pamamagitan ng pagpunta sa Me tab > Pindutin ang ⚙ icon > Piliin ang About > Clear Cache.
I-log out at muling i-log in ang iyong Shopee account.
Tiyakin an ang iyong Shopee App ay updated sa latest version.
I-uninstall at i-reinstall ang Shopee App.
Troubleshooting connectivity issues
Kung ikaw ay naka-connect gamit ang mobile data, siguraduhin na stable ang iyong internet connection.
Kung ikaw ay naka-connect gamit ang Wi-Fi, i-restart ang iyong modem o router upang mag-refresh ang internet connection.
I-on at i-off ang Airplane Mode ng iyong phone para mag-reset ang iyong connection.
Troubleshooting device issues
Isara ang lahat ng iba pang running applications sa iyong device.
I-restart ang iyong device at mag-log in muli sa iyong Shopee account pagkalipas ng 1 hanggang 2 oras.
Gumamit ng ibang device.
Kung patuloy pa ding may problema, kontakin ang Shopee Customer Service para sa karagdagang assistance. Kumuha ng screenshot o screen recording upang maipakita ang technical issue na iyong nararanasan.