For the English version of this article, click here.
Ang terms at condition para sa buyer sa pag-return ng mga produkto sa Shopee ay ang mga sumusunod: Ang mga request na hindi pasok sa Return at Refund Policy ng Shopee ay hindi eligible para sa return/refund.
Kung ang return/refund ay hindi nai-request sa loob ng allowable time frame, ang Return/Refund button ay mawawala na at ang order ay awtomatikong ita-tag bilang Order Received.
Kung gusto mong i-return/i-refund ang isang item, siguraduhin na ang mga kondisyong ito ay nasunod. Tandaan na ang mga kondisyon para sa request ng return/refund ay nakadepende sa kung saan mo binili ang iyong produkto.
⚠️ Tandaan • Para sa mga item na hindi eligible para sa return, ang available na solusyon ay Refund Only. • Para sa mga Shopee Mall return, mangyaring sundin ang Return/Refund Guidelines para sa mga Shopee Mall products. • Para sa Change of Mind, tandaan na hindi lahat ng produkto ay eligible para sa Change of Mind Return/Refund. • Ang mga Return/Refund dahil sa Change of Mind free return ay tatanggapin lamang para sa mga request na nasa loob ng Shopee Returns Window. • Tandaan na ang pag-return ng mga partikular na non-returnable item ay hindi papayagan. |
Para sa mga item na binili bilang Bundle Deals, ang pag-return/pag-refund ay mag-a-apply lamang sa buong bundle. Ang mga partial request ay hindi maaari.Gayunman, kung ang bundle ay may anumang item na hindi eligible para sa return, hindi mo maire-return ang buong bundle ngunit maaari kang mag-request ng partial refund sa apektadong item.
Evidence submission
Ang mga buyer ay dapat mag-submit ng evidence na malinaw na nagpapatunay sa piniling return/refund reason. Mga halimbawa:
Mga litrato at/o video na nagpapakita ng mga mali o depekto sa produkto (para sa mga nasira/may sirang produkto)
Mga litrato ng panloob at panlabas na packaging ng parcel
Litrato ng Air Waybill (AWB)
Maaaring mag-request ang Shopee ng mga karagdagang supporting document kung:
Ang isinumiteng ebidensya ay hindi katanggap-tanggap ang kalidad. Dapat na magbigay ng ebidensya na malinaw at mataas ang kalidad. Ang mga ebidensyang hindi tugma sa claim ng buyer ay ire-reject.
Ang seller ay nag-raise ng dispute tungkol sa kaso at kinakailangan ng ebidensya para sa karagdagang pagsisiyasat.
Return of products
Dapat tiyakin ng mga buyer na ang mga isinasauling produkto ay maayos na naibalot upang maiwasan ang pagkasira habang nasa shipment pabalik sa return address.
Dapat ihanda ng mga buyer ang mga sumusunod na supporting document kung sakaling kailanganing kontrahin ang pag-reject ng seller sa ibinalik na (mga) produkto:
Official proof of shipment na may impormasyon tulad ng delivery service, numero ng resibo, mga pangalan ng nagpadala/tatanggap, numero ng contact, at shipping address.
Iba pang ebidensya na nagpapakita na may nagyaring kasunduan (lalo na kung ang buyer ay nagpadala gamit ang isang non-traceable mailing option).
Mga litrato at/o video na nagpapakita ng mga isasauling produkto at kung paano ito ibinalot bago ipadala
Return Shipping Fee