For the English version of this article, click here.
Ino-notify ang seller tungkol sa iyong return/refund request at dapat siyang mag-respond sa loob ng 2 araw. Mayroong 4 na posibleng resulta na maaari mong asahan:
1. Tinanggap ng seller ang request
Kapag tinanggap ng seller ang request, makakatanggap ka ng mga return instruction sa pamamagitan ng in-app push notification (at email, kung applicable). Ang refund ay ipo-proseso pagkatapos masuri at ma-aprubahan ang mga isinauling produkto.
2. Hindi tumugon ang seller sa loob ng ibinigay na oras
Kung walang tugon ang seller sa loob ng ibinigay na time frame, ang iyong request ay awtomatikong maa-aprubahan at ang refund ay agad na ipo-proseso.
3. Nag-alok ang seller ng refund negotiation
Para sa mga approved returns, maaaring mag-alok ang seller ng isang partial refund (isang adjusted refund amount) nang hindi kailangang ibalik ang item. Magkakaroon ka ng 1 araw para sumagot sa isa sa mga opsyong ito:
Tanggapin ito
Mag-negotiate (mag-propose ng ibang amount)
I-reject at ituloy ang pagsauli para sa full refund
⚠️ Tandaan Ang bagong Return/Refund Process ay kasalukuyang applicable sa mga piling Seller o Shop lamang. Ito ay unti-unting ilalabas sa lahat ng seller. |
4. Tumutol ang seller
Kapag nag-raise ng dispute, ang Shopee ay mamamagitan sa sitwasyon. Maaaring hilingin ng Shopee sa parehong buyer at seller na magbigay ng karagdagang evidence upang magkaroon ng fair resolution.