For the English version of this article, click here.
Iche-check ng Shopee/Seller ang kondisyon ng returned product batay sa reason ng return/refund habang isinasaalang-alang ang mga ibinigay na ebidensya:
1. Wrong products
Iche-check ng Shopee ang product kumpara sa nasa listing ng seller para ma-verify na wrong product ang naipadala (hal. maling sukat/kulay, ibang product).
2. Damaged products
Iche-check ng Shopee ang physical damage sa product (hal. mga yupi, gasgas, basag), packaging ng product, at orihinal na packaging ng parcel (kung meron).
3. Faulty products
Magsasagawa ang Shopee ng relevant device/product check para ma-verify na naglolokoang product o hindi gumagana gaya ng inaasahan.
4. Counterfeit products
Ibe-verify ng Shopee ang authenticity ng product. Applicable lamang ito sa mga product na binili sa Shopee Mall.
5. Change of Mind
Magsasagawa ang Shopee ng relevant check upang ma-verify na ang kondisyon ng product ay nasa orihinal na kalidad at dami nito. Applicable lamang ito sa ilang partikular na product na binili mula sa mga piling seller. Alamin ang tungkol sa Change of Mind.
⚠️ Tandaan Ang lahat ng isinauling product ay dapat na nakakabit ang mga orihinal na tag at label, at kasama ang orihinal na mga free gift, at mga accessories. |
6. Product does not meet expectation
Iche-check ng Shopee kung ang isinauling product ay alinman sa mga sumusunod:
Ang produkto ay malayo sa idineklara sa mga listing ng seller.
Ang produkto ay hindi maganda ang kalidad/ hindi gumagana o nag fufunction ayon sa inaasahan.
Alamin ang tungkol sa pag-raise ng return & refund request at kung paano i-return at i-track ang iyong order para sa pag-return/pag-refund.