Hi, how can we help?

Returns & Refunds

Raising requests
Disputes
Resolution

Conditions and Serviceable Areas for Returns via M Lhuillier

For the English version of this article, click here



Ang M Lhuillier (ML) branches ay tumatanggap ng mga karagdagang item para sa return, basta't mahigpit na sundin ang mga guideline sa ibaba: 

 

Gadgets

  1. Kailangang may specs sheet (specification sheet). Ang specs sheet ay naglalaman ng detalye ng mga gadget. (Ito ay maaaring i-search sa Google para sa reference o mga sample - Bilang karagdagang customer service, maaaring i-print ng ML ang specs sa isang luma/bagong bond paper).
  2. Dapat na maayos na naka-pack at protektado ng bubble wrap.


Appliances

  1. Dapat kasama ang orihinal na packaging at may mga protective insert tulad ng Styrofoam, bubble wrap atbp.
  2. BAWAL ang mga bulky appliances tulad ng refrigerator, air conditioner, telebisyon, at iba pang malalaking appliances.


Kitchenware/Houseware

  1. Dapat na maayos na naka-pack at protektado ng mga insert tulad ng karton, papel, Styrofoam, bubble wrap, atbp.
  2. Ang mga bagay na fragile o madaling masira ay dapat ipagbigay-alam sa ML head office bago ito tanggapin dahil maaaring magdagdag ng additional fees para sa special handling.
  3. Ang mga bulky o malalaking kitchenware/houseware ay hindi tatanggapin.


Musical Equipment/Instruments

  1. Ang mga item ay dapat na maayos na naka-pack.
  2. Kailangang ipagbigay-alam sa ML head office bago ito tanggapin dahil maaaring magdagdag ng additional fees para sa pag-create o special handling.
  3. Ang mga bulky o malalaking musical equipment/instrument ay hindi tatanggapin.


Beverage

  1. Must come with its original packaging if available and must have protective inserts such as cartons, Styrofoam, and bubble wrap.
  2. Alcohol content must be properly declared in the item description.


  1. Kailangang nasa orihinal na packaging nito kung maaari pa at dapat may mga protective insert tulad ng mga karton, Styrofoam, at bubble wrap.
  2. Ang alcohol content ay dapat na maayos na nakasaad sa item description.

 

 

⚠️Tandaan

Mangyaring ingatan ang original packaging ng mga parcel na nais mong ibalik. Ang M Lhuillier ay maaari lamang magbigay ng mga libreng pouch at packaging tape sa kanilang branch. Ang mga high-value, fragile, o ang mga item na idineeliver sa isang box packaging ay dapat dalhin kasama ng original box packaging. Kung hindi, maaaring i-reject ng ML ang iyong parcel na hindi nakabalot ng maayos.



Tumatanggap na ngayon ang M Lhuillier ng return parcels sa NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao. I-check ang operational branch detail dahil hindi lahat ng branch ay maaaring tumanggap ng mga return.




  

⚠️ Tandaan.

Tandaan na maaaring magbago ang operational ML Branches nang walang paunang abiso. 


Was this article helpful?
Yes
No