Hi, how can we help?

How do I repay via InstaPay for SPayLater? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang InstaPay ay isang electronic fund transfer (EFT) service kung saan ang mga SPayLater user ay madaling makakapagbayad ng kanilang bills sa pamamagitan ng mobile banking o ng e-wallet. Maaaring magbayad ng iyong SPayLater bills gamit ang GCash, Maya, UnionBank, at marami pang iba. Ang InstaPay ay bahagi ng National Retail Payment System ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at pinatatakbo ng BancNet.

 

Benefits of repayment using InstaPay:

  • Free – walang dagdag na bayarin

  • Safe – alinsunod sa global security standards

  • Convenient – Hindi na kailangang mag-withdraw ng cash o maghintay sa mahabang pila

  • Madaling magbayad – lahat ng transaksyon ay mabilis

  • Available 24/7 – all-year-round



Para magbayad ng SPayLater gamit ang InstaPay

Sa SPayLater bill page, pindutin ang iyong current bill > Pay Now > piliin ang Instapay bilang iyong payment method > Confirm > Pay Now > Save QR Code o i-screenshot ang page.

 

 

Kahit anong payment method choice ang iyong nais gamitin, buksan ang iyong InstaPay-supported app, pindutin ang Scan o Pay via QR > i-upload ang screenshot, at kumpletuhin ang iyong payment > matapos ay bumalik sa Shopee app para sa payment result.

 

Kapag successful na ang payment mo, makakatanggap ka ng notification sa Wallet Updates folder na kumpleto na ang repayment mo. Makikita mo rin na updated na ang natitirang SPayLater limit mo pagkatapos ma-post ang payment.

 

Kung nabawasan na ang e-wallet o bank account mo pero hindi pa rin ito naka-reflect sa SPayLater account mo, irekomenda naming makipag-ugnayan ka agad sa Customer Support ng iyong financial institution para humiling ng reversal at muling maiproseso ang bayad mo.

 

⚠️Tandaan

• Hindi na kailangan ng installation o registration para magamit ang InstaPay.

• Walang dagdag na bayad o fees kapag ginamit mo ang InstaPay para bayaran ang SPayLater bills mo.

• Dapat agad mag-reflect ang successful na payment.

• May maximum limit na ₱50,000 kada transaction ang InstaPay, at walang minimum amount. Pero tandaan, may sarili ring minimum o maximum limits ang ibang e-wallets o apps na ginagamit mo.

 

 

Maaari mong kontakin ang Shopee Customer Service kung makaranas ng anumang problema Gayunman, maaari mo ring kontakin muna ang iyong e-wallet provider o ang iyong bangko. 

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied