Hi, how can we help?

Other FAQs related to ShopeePay verification (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Q: Anu-ano ang mga pagbabago sa aking ShopeePay account?

A: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ShopeePay na matiyak ang seguridad ng mga user account, at alinsunod sa mga regulasyon ng Anti-Money Laundering (AML) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga existing user na may non-verified (basic) ShopeePay account ay kinakailangang mag-submit ng mga karagdagang impormasyon upang maiwasang mawala ang access sa mga ShopeePay services. Maaari mong patuloy na magamit ang ShopeePay services sa dalawang paraan:

  • Mag-upload ng valid ID at ilagay ang iyong mga personal information.

  • Kung walang ID, magbigay ng mga karagdagang information. 

 

Ang mga user na may non-verified ShopeePay account ay magkakaroon ng mga sumusunod na monthly limits: 

  • Php 10,000 inflow limit 

  • Php 10,000 outflow limit 

  • Php 50,000 wallet balance



Q: Ano ang mga inflow, outflow, at wallet limits na ito? 

A: Ito ay ang mga sumusunod:

  • Inflow Limit - Kabuuang halaga ng iyong natatanggap sa iyong ShopeePay wallet bawat buwan

  • Outflow Limit - Kabuuang halaga ng iyong inilalabas sa iyong ShopeePay wallet bawat buwan 

  • Wallet Balance - Maximum amount na maaari mong itago sa iyong ShopeePay wallet



Q: Paano ko malalaman kung ang aking account ay verified o hindi? 

A: Pumunta sa iyong ShopeePay wallet at ang mga sumusunod ay makikita bilang acting cards, sa bandang ilalim ng mga service icons: 

 

 

 

Q: Ano ang pagkakaiba ng non-verified at ng verified account? Nagagamit ko pa rin naman ang ShopeePay sa ibang mga transaction. 

A: Narito ang mga kaibahan sa pagitan ng non-verified at verified:

 

Features

Non-verified

Verified

Inflow Limit

Php 10,000

Php 100,000

Outflow Limit

Php 10,000

Php 100,000

Wallet Balance

Php 50,000

Php 100,000

Pay on Shopee 

Scan to Pay 

Buy Load

Pay Bills

Send Money

Bank Transfer

 

 

Q: Bakit ako hinihingian ng karagdagang personal information? 

A: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ShopeePay na matiyak ang seguridad ng mga user account, at alinsunod sa mga regulasyon ng Anti-Money Laundering (AML) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kinakailangang ibigay ang mga sumusunod na impormasyon information upang magkaroon ng non-verified e-wallet account: 

 

- Email Address

- Place of Birth

- Date of Birth

- Nationality

- Source of Funds 

- Industry 

- Occupation 

- Employer Name 

- Purpose of Opening

- Present Address 

- Permanent Address 

- Gender 

- Income 



Alamin kung paano i-verify ang iyong ShopeePay account.

Was this article helpful?
Yes
No