Hi, how can we help?

How to request a Return/Refund for a Parcel delivered with missing items? (TAG)

For the English version of this article, click here



Kung nakatanggap ka ng mga hindi kumpletong item (kulang o may nawawalang parte), maaari mong sundin ang mga instruction sa ibaba sa pag-file ng Return/Refund request.


Mayroong 2 opsyon para sa pag-request ng return/refund para sa parcel delivered with missing items:


Solution

What will happen?

Refund Only

Hindi kailangang isauli ang mga item. Ang halaga ng refund ay katumbas lamang ng tinukoy na item/bahagi ng order na hindi nai-deliver

Return and Refund

Kailangang isauli ang lahat ng item upang makuha ang full refund

-

⚠️Tandaan

• Ang return reason na Missing part of the order ay available sa parehong Return/Refund option na: I have received my items but there are issues, at I didn’t receive my items.

• Ang ibang orders makikita sa Completed tab ay maaari pa ring ipa-return/refund hangga't ang order ay pasok pa din sa Shopee Returns Window.



Piliin ang Return/Refund sa Order Details page > piliin ang angkop na Return/Refund Option > Piliin ang (mga) produkto at bilang ng hindi na-receive > Next > Reason: Missing part of the order > Confirm > Pindutin ang Solution > pumili ng nais na solution > Confirm > Magbigay ng mga kailangang litrato/video bilang ebidensya > Submit


Raising-return-refund-request-for-Missing-Items-TAGLISH.gif


Kung ang napiling solution ay Return and Refund, kailangan mong pumili ng shipping option upang i-return ang iyong order sa seller: Maaari mong piliin ang Pick Up, Drop Off o Self Arrange para sa iyong return order.


Selecting-Shipping-Option-for-Return-and-Refund-request-TAGLISH.gif


Kapag nai-submit na ang iyong request, mangyaring maghintay para sa resolusyon:


Solution

Anong mangyayari?

Refund Only

Ire-review ng Shopee ang kaso at babalikan ka para sa resolusyon.

Return and Refund

Makakatanggap ka ng in-app push notification at e-mail tungkol sa return instruction.

-

⚠️Tandaan

• Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa pag-upload ng ebidensya na kailangan para sa return/refund, maaari mong subukan ang aming basic troubleshooting.

Magbigay ng mga angkop na ebidensya para sa bawat return/refund reason.

• Maaaring ipasauli pa rin sa buyer ang (mga) item depende sa resulta ng Shopee review.



Makipag-ugnayan sa Seller tungkol sa iyong return/refund request

Pagkatapos mai-submit ang iyong Return & Refund request, maaari kang kontakin ng Seller upang mag-alok ng counter-offer. Bibigyan ka nito ng 1 araw para tumugon. Narito ang tatlong (3) response options na maaari mong gawin:


1. Accept Proposal


Accept-proposal-TAG.gif



2. Counter Offer


Counter-proposal-TAG.gif



3. I-reject at ituloy ang pagsauli ng item


Reject-proposal-TAG.gif



Para ibalik ang iyong order

Tiyakin na maipadala ang item sa Shopee Warehouse sa loob ng 5 araw. Kapag lumagpas ang 5 araw at hindi ito naipadala, automatically cancelled na ang iyong request. Dapat na maayos na naka-package ang item alinsunod sa Shopee Guidelines. Alamin ang iba pa tungkol sa pag-return ng iyong order.


Para sa Local Marketplace, ang Seller ay may hanggang 3 araw para sumagot at kumpletuhin ang quality check ng item/s mula sa oras kung kailan niya ito na-receive.



Pagkuha ng iyong refund

  • Para sa Refund Only solution, darating ang refund sa sandaling ma-approve ng Shopee ang iyong request.

  • Para sa Local Marketplace at mga piling Local Shopee Mall Seller, kapag na-receive at na-validate na ng Seller ang returned item, makakatanggap ka ng notification via in-app push notification or email tungkol sa request approval at instructions kung paano makukuha ang iyong refund payment.

  • Para sa Overseas Sellers, matapos na matanggap at ma-validate ng Shopee Warehouse ang returned item, ang iyong refund ay automatically na make-credit na sa iyo.



Alamin kung gaano katagal bago matanggap ang iyong refund at ang tungkol sa Shopee Policies.
Was this article helpful?
Yes
No