For the English version of this article, click here.
Kung ikaw ay makakatanggap ng parcel na walang laman o di kaya’y naglalaman ng item na malayo sa iyong inorder (hal: umorder ng bag ngunit ang natanggap ay papel, voucher, bato, face mask, atbp), sundan lamang ang mga sumusunod na hakbang sa pag-file ng Return/Refund request.
Pindutin ang To Receive sa ilalim ng My Purchases na nasa Me tab > Pindutin ang Return/Refund sa iyong order > I didn’t receive my items > piliin ang mga produktong at bilang ng nais i-return > Pindutin ang Next.
Matapos ay pindutin ang Select Reason > piliin ang return/refund reason: Empty Parcel > pindutin ang Confirm > magbigay ng mga kinakailangang ebidensya nakasaad sa remarks at maglagay ng description ng iyong refund request > Submit.
⚠️Tandaan • Kung makakaranas ng problema sa pag-upload ng mga ebidensyang kailangan para sa return/refund, maaari mong subukan ang basic troubleshooting. • Magbigay ng maayos at angkop na ebidensya para sa bawat return/refund reason. |
Matapos i-submit ang iyong request, mag-iimbestiga ang Shopee at babalikan ka para sa resolution.
Pagkuha ng iyong refund
Alamin kung gaano katagal bago makatanggap ng refund.
Para sa Refund Only solution, darating ang refund sa sandaling ma-approve ng Shopee ang iyong request.
Para sa Local Marketplace, kapag na-receive at na-validate na ng Seller ang returned item, makakatanggap ka ng notification via in-app push notification or email tungkol sa request approval at instructions kung paano makukuha ang iyong refund payment.
Para sa Shopee Mall at Overseas, matapos na matanggap at ma-validate ng Shopee Warehouse ang returned item, ang iyong refund ay automatically na make-credit na sa iyo.