Hi, how can we help?

How to request a Return/Refund for Damaged Items? (TAG)

Para sa English version ng article, basahin dito.



Kung ikaw ay makakatanggap ng sirang item, sundan lamang ang mga sumusunod na hakbang sa pag-file ng Return/Refund request.


Pindutin ang To Receive sa ilalim ng My Purchases na nasa Me tab > Pindutin ang Return/Refund ng iyong order > Piliin ang mga produktong nais isauli > Ilagay ang bilang ng nais isauli > Next.


⚠️Tandaan

Ang ibang orders na makikita sa Completed tab ay maaari pa ring ipa-return/refund hangga't ang order ay pasok pa din sa Shopee Returns Window.


 

Pagkatapos ay piliin ang Received Damaged Item(s)  > piliin ang Damaged Item > piliin ang angkop na klase ng damage > Next > Maglagay ng mga kinakailangang ebidensya na hinihingi sa remarks, at maglagay ng description ng iyong refund request > I-check o i-edit ang iyong Contact Email > Submit.



Para sa Shattered/broken products at Spilled liquid/contents:

Matapos mag-submit, ire-review ito ng Shopee at magbibigay ng updates sa iyong Refund request. HIndi na kailangang isauli pa ang item dahil ito ay highly damaged na. Tandaan na ang final solution ay maaaring magbago pagkatapos ng Shopee review.


Para sa Scratches/dents at sa Other types of damage:

Sa Return/Refund Details page, pindutin ang Shipping Option upang pumili ng nais na shipping option na maghahatid ng iyong order pabalik sa seller.



⚠️Note

• Kung nakakaranas ng problema sa pag-upload ng mga ebidensyang kailangan para sa return/refund, maaari mong subukan ang basic troubleshooting.

Magbigay ng maayos at angkop na ebidensya para sa bawat return/refund reason.



Matapos i-submit ang iyong request, hintayin lamang ang resolution:


Solution

What will happen?

Refund Only

Mag-iimbestiga ang Shopee at babalikan ka para sa resolution.

Return and Refund

Makakatanggap ka ng parehong in-app push notification at e-mail tungkol sa return instructions.



Para ibalik ang iyong order

Tiyakin na maipadala ang item sa Shopee Warehouse sa loob ng 5 araw. Kapag lumagpas ang 5 araw at hindi ito naipadala, automatically cancelled na ang iyong request. Dapat na maayos na naka-package ang item alinsunod sa Shopee Guidelines. Alamin ang iba pa tungkol sa pag-return ng iyong order.


Para sa Local Marketplace, ang Seller ay may hanggang 3 araw para sumagot at kumpletuhin ang quality check ng item/s mula sa oras kung kailan niya ito na-receive.



Pagkuha ng iyong refund

Alamin kung gaano katagal bago makatanggap ng refund.

  • Para sa Refund Only solution, darating ang refund sa sandaling ma-approve ng Shopee ang iyong request.

  • Para sa Local Marketplace, kapag na-receive at na-validate na ng Seller ang returned item, makakatanggap ka ng notification via in-app push notification or email tungkol sa request approval at instructions kung paano makukuha ang iyong refund payment.

  • Para sa Shopee Mall at Overseas, matapos na matanggap at ma-validate ng Shopee Warehouse ang returned item, ang iyong refund ay automatically na make-credit na sa iyo.



Basahin ang aming Shopee’s Return & Refund Policy.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied