Hi, how can we help?

What is Shopee Video? (TAG)

 

For the English version of this article, click here.

 

 

Ang Shopee Video ay ang pinakabagong feature sa Shopee na naglalayong mabigyan ng lugar ang mga Shopee user para mag-socialize sa mga kapwa Shopee users via video. Dito’y maaari kang manood ng mga video bilang viewer at gumawa naman ng mga video bilang isang Creator.

 

Accessing Shopee Video

Maaaring pumunta sa Shopee Video sa pamamagitan ng pagpindot sa Shopee Video icon na nasa bottom navigation bar ng Shopee application. Sunod, ikaw ay dadalhin sa Trending page.

 

 

Using Shopee Video

1. Magpalipat-lipat sa mga tab sa pamamagitan ng pag-swipe sa kanan/kaliwa sa itaas na bahagi ng page o pindutin ang:

Following tab - nagpapakita ng mga video mula sa mga Creators na iyong pina-follow.

Trending tab - nagpapakita ng mga video recommendations base sa iyong interest at ng ibang Shopee users.

 

2. Panuorin ang susunod na video sa pamamagitan ng pag-swipe sa screen pataas upang lumabas ang susunod na video, at pababa naman para bumalik sa previous video.

 

3. I-refresh ang video sa pamamagitan ng pag-swipe pababa sa unang video o pagpindot sa Following tab o sa Trending tab title.

 

4. Mag-stop & play ng video sa pamamagitan ng pag-tap sa screen nang isang beses upang i-stop ang video. Maaari itong i-play muli sa pag-tap muli sa screen.

 

Mayroong iba’t-ibang interactions na maaari mong gawin habang nasa Shopee Video:

Mag-follow ng Creator

Pindutin ang + icon na nasa sa profile photo ng Creator.

 

Mag-like ng video

Pindutin ang Heart icon o i-tap ang video screen nang dalawang (2) beses.

 

Mag-comment sa mga video

Pindutin ang Comment icon sa video. Maaari mo ring i-like ang mga comment ng ibang tao sa menu. 

 

Mag-share ng mga video

Pindutin ang Share icon para i-share ang video sa kapwa Shopee user o sa social media (gaya ng; Instagram, Facebook, WhatsApp, atbp.). Maaari ka ring mag-report ng mga video sa menu na ito.

 

Mag-follow ng Voice

Pindutin ang Voice Title na makikita sa Voice Page. Maaari mong i-follow ang music o sound at gamitin ito sa iyong mga video.

 

 

Sa Shopee Video ay maaari kang maglagay ng produkto sa iyong mga Video. Pagkatapos mag-record ng video, pindutin ang Next > pindutin ang Add Product > pumili ng produkto na nais ilagay sa video > Post.

 

 

 

⚠️️ Tandaan

Maaaring maglagay ng hanggang 6 na produkto lamang sa iyong video.



Alamin kung paano mag-create ng Shopee Video.

Was this article helpful?
Yes
No