Hi, how can we help?

How to return your order via SPX Express? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maaari mong maipadala nang libre ang iyong return order sa pamamagitan ng SPX Express at maita-track mo ito gamit ang app.

 

1. Piliin ang Pick Up bilang return shipping option

Kapag aprubado na ang iyong Return/Refund request (Return Pending status), pindutin ang Select Shipping Option > Piliin ang Pick Up. Kailangang kumpirmahin ng buyer na tama ang nakalagay na pickup address, at pumili ito ng nais na pickup date. Pagkatapos ay pindutin ang Confirm button.

 

Selecting-SPX-Pick-Up-for-Return-and-Refund-request-TAGLISH.gif

⚠️ Tandaan

• Ang feature na ito ay kasalukuyang available lamang sa mga piling serviceable areas.

• Tiyaking maayos ang original packaging ng parcel na iyong isasauli. 

• Para sa mga mamahalin, babasagin, o mga naka-karton na item, tiyakin na kasama pa rin ang original box packaging. Maaaring hindi tanggapin ng SPX Express ang parcel kung hindi ito nakabalot ng maayos.

• Kung nais mong isauli ang iyong item gamit ang ibang nais na courier, maaari mong piliin ang Drop Off o ang Self Arrange option.


Ang buyer ay maaaring palitan ang return address ng kanyang nais. Tiyakin lamang na mailagay ang tama at kumpletong address. 


Selecting-Pick-Up-Address-for-Return-and-Refund-via-SPX-TAG.gif

Pagkatapos ay pumili ng nais na pickup date. Ang pinaka-maagang pickup date na maaaring piliin ay ang susunod na araw. Maaari kang pumili sa mga available dates, na siyang susunod na tatlong (3) araw mula ng piliin mo ang SPX Express bilang courier.


Selecting-Pick-Up-Date-for-Return-and-Refund-via-SPX-TAG.gif

Matapos maiayos ang lahat ng detalye, pindutin ang Confirm. Ang return label (Air Waybill) ay makikita ng buyer bilang reference. Kung ang buyer ay may printer, maaaring pindutin ang Email Me o Download upang makita ang SPX Return Label na siyang ididikit sa parcel.
 

Viewing-Air-Waybill-for-Return-and-Refund-via-SPX-TAG.gif

2. Ihanda ang iyong return parcel

Maayos na balutin ang return item at idikit ang Air Waybill sa parcel. Kung walang printer, maaaring isulat ang Tracking Number sa parcel upang makita ito ng rider. Tiyakin na gamitin ang original packaging ng item. 


Pagdating ng SPX Express Rider, iabot ang parcel at ipakita ang QR code na nakalagay sa Return/Refund Details page. Ang SPX Express Rider ay ii-scan ang QR Code bilang pagtanggap sa return parcel. Maaaring kunan ng litrato ang rider habang hawak nito ang parcel bilang proof of pickup.

 

Maaari mong makita ang shipping information ng return parcel sa Shopee app sa ibabang bahagi ng Return/Refund Details page. Hintayin na ma-validate ng Shopee o ng seller ang return parcel. Ang iyong refund ay ipo-proseso ng Shopee sa sandaling ma-verify ito, na maaaring umabot ng hanggang 11 araw.


Viewing-Shipping-Details-for-Return-and-Refund-via-SPX-TAG.gif


Alamin ang iba pang tungkol sa pag-return ng order, pag-raise ng return and refund request at pagkuha ng refund.

Was this article helpful?
Yes
No