For the English version of this article, click here.
Maaari kang makaranas ng pagkaantala sa pag-post ng bayad sa ilang payment centers. Mangyaring maghintay ng ilang minuto at tingnan muli.
Payment Processing Time
Ang mga bayad na ginawa sa mga payment centers ay maaaring umabot ng hanggang dalawang (2) working days para ma-process.
Confirming Payment Status
Suriin ang payment channel para sa confirmation o transaction reference number, na makakatulong sa amin na i-verify ang bayad kung hindi ito na-post sa iyong account.
SPayLater at ShopeePay Wallet
Kung nag-top up ka sa iyong ShopeePay wallet, hindi ito awtomatikong magre-reflect bilang bayad para sa SPayLater. Para matiyak ang tamang pag-post, pumunta sa SPayLater page at piliin ang ShopeePay bilang iyong payment method.
Contacting Customer Support
Kung lumipas na ang sapat na oras at hindi pa rin na-re-reflect ang bayad, makipag-ugnayan sa customer service ng Shopee sa pamamagitan ng app at magbigay ng screenshot ng transaction.