For the English version of this article, click here.
Upang maiwasan ang mga unauthorized transactions sa iyong mga financial account, narito ang ilang tips na dapat tandaan:
Bantayan ang iyong account
Laging i-check ang iyong Shopee account para sa anumang unauthorized login o transaction gamit ang ShopeePay o ang SPayLater. Agad na i-report ang mga kahina-hinalang activity.
Laging tingnan ang iyong mga transaksyon
Ugaliing regular na i-check ang mga bawat transaksyon upang matiyak na ang lahat ay tama.
Ingatan ang iyong Shopee account
Regular na i-update ang password ng iyong Shopee account at ShopeePay PIN, at gamitin ang two-factor authentication kung hindi pa ito activated.
Mag-ingat sa mga link at email
Iwasang i-click ang mga kahina-hinalang link sa mga email, messages, o social media, dahil maaari ka nitong dalhin sa mga phishing sites na nagkukunwaring Shopee.
Gamitin ang notifications
Buksan ang transaction alerts upang ma- monitor ang anumang purchase sa ginawa gamit ang iyong Shopee account.
Kung magkaroon ng anumang unauthorized transaction, Agad na kontakin ang Shopee Support:
Gamitin ang official Shopee app o website upang direktang makontak ang Shopee Customer Service.
I-report ang mga unauthorized transaction at ibigay ang lahat ng posibleng detalye, kabilang ang order ID, transaction date, amounts, at anumang unusual account activity.
Ang aming support team ay mag-iimbestiga at gagabayan ka para sa mga susunod na hakbang.