For the English version of this article, click here.
Ang SPayLater Xtra ay naglalayong bigyan ang mga user ng mas flexible option para sa kanyang mga in-store purchase (kasalukuyang available pa lamang sa mga piling electronics/mobile phone stores). Magbibigay ito ng karagdagang credit limit para sa mga SPayLater user na maaaring magamit sa mga piling partner merchants.
⚠️ Tandaan Sa kasalukuyan, ang SPayLater Xtra ay magagamit lamang ng mga piling SPayLater user at merchants. |
Activating SPayLater Xtra
Kung ikaw ay eligible para sa SPayLater Xtra, may makikita kang entry point sa iyong SPayLater homepage. Pindutin ang Get Credit upang makatanggap ng activation result. May ipadadala ring in-app notification kapag ito ay activated na.
Using SPayLater Xtra
Matapos ma-activate, maaari ka nang pumunta sa anumang partner merchant at pumili ng nais bilhin. Ipaalam sa merchant na ikaw ay magbabayad gamit ang SPayLater Xtra.
Ang merchant ay magpapakita ng QR Code na maaari mong i-scan gamit ang Shopee QR scanner, o kaya’y pindutin ang Scan to Purchase sa iyong SPayLater Xtra homepage > Pumili ng nais na installment plan > Pay Now > Pindutin ang Start Facial Verification at kumpletuhin ang pagbabayad.
Matapos magbayad, ang merchant ay makakatanggap din ng payment confirmation.
Frequently Asked Questions:
Q: Paano makikita ang mga previous transaction?
A: Upang tingnan ang iyong mga SPayLater Xtra transaction, pumunta sa SPayLater Homepage > pindutin ang Transactions > pindutin ang nais na item o transaction upang makita ang mga detalye nito.
Q: Ano ang dapat gawin kung ang aking SPayLater Xtra limit ay kulang?
A: Kung ang iyong SPayLater Xtra limit ay hindi sapat upang mabayaran ng buo ang transaksyon, ang iyong SPayLater General Limit ay maaaring gamitin upang mapunan ang kulang na halaga..
Narito ang isang halimbawa ng computation:
Mayroon kang natitirang SPayLater General Limit na ₱20,000, at SPayLater Xtra limit na ₱5,000
Nais mong bumili ng mobile phone na nagkakahalaga ng ₱15,000
Ang ₱5,000 ng SPayLater Xtra limit ang unang gagamitin
At dahil ang SPayLater Xtra limit ay nagamit na, ang kulang na ₱10,000 ay kukunin mula sa iyong SPayLater General Limit.
Q: Paano mag-request ng refund?
Ang lahat ng refund requests ay maaari lamang gawin gamit ang partner app ng merchant o pinagbilhan. Hindi maaaring mag-request ng refund ang buyer gamit ang Shopee app. Kung sakaling may anumang isyu sa item na iyong binili, bumalik lamang sa partner merchant store.
Kapag ang refund request ay tinanggap, ang credit limit ay babalik sa dati nitong limit.
⚠️ Tandaan Maaari lamang mag-request ng SPayLater Xtra refund sa loob ng 7 araw mula nang bilhin ang item. |
Q: Anu-ano ang benepisyo ng SPayLater Xtra?
Pinakamadali at pinakamabilis na Application Process. Isang pindot lamang ang activation, di na kailangan ng dagdag na pagsusuri. 100% accomplished by customers with instantly approved results.
Seamless Checkout Experience.
Competitive Installment Offers. Abot-kayang monthly payments.
Additional Limit. May dagdag na limits para sa mga offline transactions.
Q: Maaari ko bang gamitin ang aking SPayLater Xtra para bumili ng higit sa 1 item?
A: Sa ngayon, maaari lamang gamitin ang SPayLater Xtra para sa 1 item/transaction at a time. Kapag fully-paid at natapos na ang contract sa iyong naunang binili, maaari mo nang gamitin ang iyong SPayLater Xtra para muling bumili.
Q: Maaari ko bang gamitin ang SPayLater Xtra para sa ibang nais kong bilhin?
A: Sa ngayon, ang additional credit limit na ito ay maaaring gamitin lamang sa mga mobile phone purchase sa mga piling partner merchants.
Q: Paano ko ide-deactivate ang aking SPayLater Xtra?
A: Matapos ma-activate, ang iyong SPayLater Xtra limit ay mage-expire kung hindi ito magagamit sa loob ng 7 araw. Kung ayaw mo ito gamitin, maaari itong hindi i-activate o gamitin.
Q: Paano ko babayaran ang aking SPayLater Xtra installment?
A: Maaaring magbayad ng iyong SPayLater Xtra installment sa parehong paraan ng pagbabayad sa iyong iba pang SPayLater transactions. Kung ikaw ay may iba pang SPayLater transactions, ito ay pagsasama-samahin.
⚠️ Tandaan Ang iyong SPayLater Xtra bill ay susundin ang parehong billing cycle ng iyong SPayLater. |