For the English version of this article, click here.
Kung ang iyong order ay ipinadala gamit ang SPX Express, maaari mo na itong ipasauli at humingi ng refund kahit na on-the-way pa lamang ang order mo.
Para mag-request ng In-transit Return/Refund
Sa Order Details page, pindutin ang Return/Refund > Submit.
Para malaman ang status ng iyong request
Makakatanggap ka ng notification tungkol sa iyong In-transit Return/Refund sa loob ng 48 oras mula nang ito’y ni-request.
Ang iyong request ay magiging depende kung kaya pang harangin ng Shopee ang delivery ng iyong order. Makakatanggap ka ng notification tungkol sa iyong In-transit Return/Refund sa loob ng 48 oras mula nang ito’y ni-request.
Approved | Rejected |
• Kapag nagawang harangin ng Shopee ang iyong parcel, ang in-transit return/refund request ay maa-aprubahan, at isasauli ang iyong bayad. • Ang parcel ay ipapadala pabalik sa seller. | • Kung hindi naharang ng Shopee ang iyong order, mare-reject na ang iyong return/refund request, at patuloy na idedeliver ang iyong order. • Maaari kang mag-request ng Return/Refund matapos matanggap ang iyong order kung may issue sa parcel o kung ito ay namarkahan bilang delivered ngunit di ito natanggap. |
⚠️ Tandaan • Maaari lamang mag-request ng isang (1) In-transit Return/Refund request bawat order. Kung ito ay kinansel o ni-reject ng Shopee, hindi na maaaring mag-request muli. • Kapag naging matagumpay ang iyong In-transit Return/Refund request, matatanggap mo ang full refund kasama ang shipping fee, base sa binayarang halaga. • Kung ang parcel ay nakarating na sa delivery hub, hindi na maaaring mag-request ng in-transit refund. Maaari ka na lamang mag-file ng Return/Refund pagdating sa iyo ng item. • Kung ikaw ay nag-cancel ng in-transit refund request, hindi ka na maaari pang mag-file nito muli para sa parehing order. Maaari ka pa ring mag-file ng Return/Refund pagdating sa iyo ng item. |