For the English version of this article, click here.
Kung nais mong magsauli ng item na nasa original/sealed condition pa, tiyakin muna na pasok ito sa nakasaad na kondisyon sa ibaba. Ang isasauling item ay isasailalim sa quality checking ng warehouse.
Ang item ay dapat na:
Nasa orihinal na kondisyon at dami, buo at gumagana.
Nasa loob ng original package, kasama ang mga protective materials, product/brand tags, at mga manual
Kabilang ang lahat ng packaging, accessories, authenticity cards, at dust bags.
Ang mga special seals (hal: Do not accept if seal is broken) ay dapat na buo pa at ang packaging ay di pa nabubuksan
Kasama ang lahat ng special external at internal packaging kung mayroon mang commemorative, authenticity, o unique added value.
Kung ang mga ito ay nawala o nasira, maaaring mawalan ng halaga ang item
May karapatan ang seller na tanggihan ang return request kung:
Ang produkto ay may dumi, dungis o kahit anong sira
Ang produkto ay sinuot o sinukat na nagdulot ng irreversible damage
Ang produkto ay kulang, nang hindi dahil sa delivery issues.
Ang produkto ay ginamit o ubos na (para sa mga consumables)
Ang produkto ay intimate product (hal. Underwear, lingerie, swimsuits, atbp.)
Para mag-request, pindutin ang To Receive na nasa My Purchases na makikita sa Me tab > Pindutin ang Return/Refund ng iyong order > Piliin ang mga produktong nais isauli > Ilagay ang bilang ng nais isauli > Next.
Pagkatapos ay piliin ang Others > piliin ang I want to return item in original / sealed condition > Next > Maglagay ng mga kinakailangang ebidensya na hinihingi sa remarks, at maglagay ng description ng iyong refund request > I-check o i-edit ang iyong Contact Email > Submit.
Pumili ng nais na Shipping option na maghahatid ng iyong order pabalik sa seller.
⚠️Tandaan • Para sa multiple items, ang pagsasauli ng mga item na nasa original/sealed condition ay magagawa lamang kung ang lahat ng item ay eligible. • Para sa mga Bundle Deals, Add-on deals, at Purchases with Gifts, dapat pindutin ang maximum quantity at ang lahat ng item ay dapat na isauli. • Kung nagkakaroon ng problema sa pag-a-upload ng mga evidence na kailangan para sa return/refund, subukan ang basic troubleshooting. • Alamin kung paano ang tamang pagbibigay ng evidence para sa bawat return/refund reason. |
Matapos mag-submit ng iyong request, hintayin ang resolution. Makakatanggap ka ng parehong in-app push notification at e-mail tungkol sa return instructions.
To return your order
Tiyakin na maipadala ang item sa loob ng 5 araw sa Shopee Warehouse o sa Seller’s Return Address depende kung ano ang nakalagay sa return instructions. Kapag lumagpas ang 5 araw at hindi ito naipadala, automatically cancelled na ang iyong request. Dapat na maayos na naka-package ang item alinsunod sa Shopee Guidelines. Alamin ang iba pa tungkol sa pag-return ng iyong order.
Sa sandaling matanggap ng Shopee Warehouse o ng Seller ang item, isasailalim ito sa quality checking.
⚠️Tandaan Maaari mong isauli ang item sa aming Shopee Warehouse kung pinili mo ang Self-Arrange bilang return shipping option. Tandaan na ang Shopee Warehouse ay hindi tumatanggap ng returns paglagpas ng 3PM na maaaring magresulta sa cancellation ng iyong Return & Refund request. • Shopee Warehouse detail sa Calamba: • Receiver Name: Shopee Warehouse Returns Department (Dock 5) • Receiving Hours: 6 AM hanggang 3 PM (Lunes hanggang Sabado LAMANG) |
Get your refund
Kapag ang Seller/Shopee Warehouse ay natanggap at nasuri na ang returned item, ipadadala na ang refund sa iyo.
Alamin kung gaano katagal bago makuha ang refund at ang Shopee’s Return & Refund Policy