Hi, how can we help?

[Shopee Mall Return] I received a fake item from a Shopee Mall seller, how do I claim my 3x money back? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang mga Shopee Mall products ay garantisadong 100% authentic at direktang galing sa mga brand owners at authorized distributors. Kapag nakatanggap ka ng pekeng produkto, maaari kang mag-request ng 3x refund.


Para mag-request ng return/refund, pumunta sa To Receive ng My Purchases na nasa Me tab > Pindutin ang Return/Refund ng iyong order > Piliin ang mga produktong nais isauli > Ilagay ang bilang ng nais isauli > Next.


 

Pagkatapos ay piliin ang Received Incorrect Item(s) > piliin ang Counterfeit product > Next > Maglagay ng mga kinakailangang ebidensya na hinihingi sa remarks, at maglagay ng description ng iyong refund request > I-check o i-edit ang iyong Contact Email > Submit.


 


Matapos ma-validate ng Shopee ang iyong request, hihingin sa iyo na ipadala na pabalik ang item. Kapag naaprubahan, ikaw ay makakatanggap ng in-app notification at ang iyong 3x Refund.


⚠️Tandan

• Dapat ay makapag-request sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang order.

• Ang mga litrato ay dapat na malinaw, at kasamang kunan ang (kung anong importante): packaging, mismong produkto, airway bill, atbp. Basahin ang guidelines.

• Kailangang magbigay ang buyer ng parehong physical evidence ng pagsauli nito at digital receipt (kung mayroon).



Ang refund ay hahatiin sa dalawang (2) payment na may palugit depende sa ginamit na payment method.

Refund

Timeframe

Refund Payment Channel

1st Payment

1-14 na araw mula nang aprubahan ang claim (5-45 na araw kung ang payment method na ginamit ay Credit Card)

Original payment method na ginamit

2nd payment

4-17 na araw mula nang aprubahan ang claim

ShopeePay

Alamin kung paano i-activate ang ShopeePay



Halimbawa:

Final price na ibinayad

1st Payment +

2nd payment =

3x Refund

P1,000

₱1,000.00

₱2,000.00

₱3,000.00



Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee 3x Money Back Guarantee at ang 2024 Shopee Mall Terms of Service.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied