For the English version of this article, click here.
Ang Bayad Center ay isang nationwide payment center na kilala para sa bills payment at money transfer services. Dito ay maaaring kang mag-cash in sa iyong ShopeePay wallet nang madali at ligtas — walang service fee at may minimum cash-in amount na ₱500.
Pumunta sa ShopeePay Wallet > Cash In > Piliin ang Bayad Center > Confirm > Ilagay ang Cash-In Amount o pumili ng preset amount > Pay Now.

Makakatanggap ka ng Payment Code at ng mga sumusunod na Bayad Center Payment Instructions:
1. Pumunta sa anumang Bayad Center branch.
2. Ipaalam sa cashier na magbabayad ka para sa ShopeePay.
3. Sagutan ang Bayad transaction form gamit ang iyong payment code, pagkatapos ay i-present ito sa Bayad teller para maproseso ang iyong cash-in.
⚠️ Tandaan Valid lamang ang iyong payment code sa loob ng 1 oras. Kumpletuhin ang iyong cash-in sa loob ng period na ito. Kapag nag-expire ang payment code, kailangan mong mag-generate ng panibagong code. |
4. Bayaran ang exact amount.
5. Kapag successful ang iyong payment, agad na magre-reflect ang iyong cash-in amount sa iyong ShopeePay wallet.
6. Itago ang iyong payment receipt bilang proof of payment kung sakaling kailanganin ito para sa verification.

Frequently Asked Questions
Q: Libre ba ang pag-cash in via Bayad?
A: Oo. Walang service fee ang pag-cash in via Bayad Center.
Q: May minimum at maximum cash-in amount ba kada transaction?
A: Oo. Ang minimum cash-in amount ay ₱500, habang ang maximum ay ₱10,000.
Q: Gaano katagal bago ma-credit ang cash-in sa aking ShopeePay wallet?
A: Ang iyong cash-in amount ay mare-reflect sa iyong ShopeePay wallet shortly.
Q: Paano kung hindi pa rin na-credit ang aking ShopeePay wallet within the day pagkatapos mag-cash in?
A: Kung hindi pa rin na-credit ang iyong ShopeePay wallet within the day, makipag-ugnayan sa aming Customer Service team para matulungan kang matingnan ang iyong concern.