Hi, how can we help?

How to make sure your ID is approved for ShopeePay verification? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Sundan ang mga hakbang na ito upang matiyak na maaaprubahan ang iyong ID para sa ShopeePay verification:

 

1. Ilagay ang mga tamang detalye

Siguraduhing tugma ang impormasyon na ilalagay mo sa ID field kumpara sa nakalagay sa ID na iyong isinumite, at tiyaking kumpleto at tama ang lahat ng required fields.

 

 

 

2. Ang mga documents ay dapat nababasa

Siguraduhing walang natatakpan na impormasyon. Alisin ang anumang sticker o plastic cover na pwedeng magdulot ng glare. Dapat malinaw ang mga detalye sa ID at tumutugma sa mga in-input mong impormasyon (hal. tamang spelling, ID number).

 

 

Passport Verification Guidelines:

- Kunan ng malinaw ang passport details page (page 2).

- Huwag isama ang signature page (page 3).

- Ilagay ang passport sa patag na patungan, siguraduhing maliwanag ang paligid, at lahat ng detalye ay malinaw at madaling basahin.



3. Gumamit ng valid na ID

Hindi tinatanggap ng ShopeePay ang expired na ID. Tiyaking valid pa ang ID mo sa loob ng 24 oras mula sa oras ng submission nito. I-submit agad ang application bago mag-expire ang iyong ID.

 

Halimbawa: Kung valid lang ang ID mo hanggang January 1, 2022, kailangan mo itong i-submit bago mag-December 31, 2021.

 

 

 

4. Mag-submit ng ID na kumpleto ang details

Dapat nakalagay sa ID mo ang buong pangalan, birthday, litrato, at ID number. Siguraduhing pareho ang ID number na in-input mo sa nakalagay sa ID mo — dapat eksakto ang pagkakatugma.

 

 

Tanging mga tanggap na ID lang ang ma-aapprove. Maaaring magbago ang listahan kahit walang abiso.

 

 

 

 

5. Mag-selfie nang malinaw hawak ang iyong ID

Siguraduhing malinaw ang selfie at kinuha sa maliwanag na lugar. Iwasan ang malabo o madilim na litrato. Dapat na nakikita nang maayos ang iyong mukha at ang mga detalye sa iyong ID.

 



6. Para sa Minor Applicants (edad 13 hanggang 17 taon gulang)

Kailangang mag-submit ang parents o guardian ng mga sumusunod na requirements gamit ang Minor Request Form:

  • Latest Enrollment Form ng minor (kung expired na ang Student ID na isusubmit)

  • Student ID (tatanggapin kung wala nang ibang valid ID ang minor)

  • Signed Parental Consent Form na naka-JPEG format

  • Kopya ng Birth Certificate ng minor

  • Proof of legal guardianship, kung applicable (hal. adoption papers)



 

⚠️ Tandaan

· Bawat user ay pinapayagan lang magkaroon ng isang ShopeePay wallet. Kung meron ka nang active wallet, automatic na mare-reject ang anumang bagong application. Para i-delete ang lumang wallet, i-click ito.

· Kung may multiple active Shopee accounts ka na may ShopeePay, isa lang ang ititira—ang iba ay isasara namin.

· Ayon sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas, may validity period ang ID verification. Makakatanggap ka ng push notification isang buwan bago ito mag-expire, at maaaring kailanganin mong mag-reverify.

 

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied