For the English version of this article, click here.
Bayaran ang iyong SPayLater bills sa Shopee app gamit ang ShopeePay, e-wallets, OTC, o online payment. Para sa libreng at mas madaling pagbabayad, gamitin ang InstaPay (QRPH).
Pumunta sa Me tab > SPayLater > Pay Now > pumunta sa Current Bill tab > Pay Now > Pumili ng payment method > CONFIRM > I-complete ang payment.

Matapos ang magbayad, makakatanggap ka ng notification sa Finance Updates, at ang iyong SPayLater limit ay maa-update sa loob ng 24 oras. Para sa real-time payment updates, gamitin ang ShopeePay.
⚠️Tandaan • Ang OTC at Online Payments ay maaaring tumagal ng ilang araw bago maproseso. Para sa mas mabilis na SPayLater repayments, gamitin ang InstaPay. • Hindi tinatanggap ang COD at Credit Cards para sa SPayLater payments. • Ang mga orders na nakumpirma bilang Received" sa loob ng billing cycle ay isasama sa susunod na cycle (hal. ang order na natapos noong Hunyo 5 ay magiging due sa Hulyo 15).
|
Mag-early repayment sa SPayLater
Maaari mong bayaran nang maaga ang iyong mga upcoming bills. Pumunta sa SPayLater wallet > Pumili kung Pay Now o Pay Early > Pumunta sa Upcoming Bill tab > I-tick ang box para sa buwan na nais bayaran > Pay Now > Payment Method > Pay in Full.

Pagtingin sa mga SPayLater transaction
Tingnan ang kumpletong listahan ng iyong mga transactions sa SPayLater Transaction page. Pumunta sa Me tab > SPayLater > Transaction. Pumili ng anumang transaction upang makita ang karagdagang detalye.

Ang SPayLater transactions ay maaaring may iba't ibang label:
Outgoing transactions
Installment: Pagbabayad sa buwanang installment
BNPL (Buy Now, Pay Later): Pagbabayad na due sa susunod na buwan
Incoming transactions
Refunds
⚠️ Tandaan • Kung makakaranas ka ng technical issues habang nagbabayad para sa SPayLater, subukang isara at buksan muli ang Shopee app. Gamitin ang troubleshooting kung kinakailangan. • Kung ang iyong pagbabayad ay hindi kumpleto, tingnan ang SPayLater page upang makita kung ang halaga ay na-deduct na o makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service. |
Alamin ang ibang information tungkol sa SPayLater.