For the English version of this article, click here.
Kung mayroon kang bank account na naka-connect na sa iyong ShopeePay account, pwede ka nang mag-bank transfer mula sa iyong ShopeePay wallet.
Para makapag-bank transfer, pumunta sa iyong ShopeePay wallet at pindutin ang Bank Transfer > piliin ang bangko at ilagay ang account details > Next > ilagay ang transfer amount > Next > Send Money Now > i-type ang iyong ShopeePay PIN o gamitin ang iyong FaceID/TouchID.
Tandaan na hindi pwedeng i-cancel ang bank transfer kapag na-confirm na ito, ngunit pwede mong i-review ang bank transfer details sa Last Transactions page ng iyong ShopeePay wallet.
⚠️Tandaan • Pwede kang mag-bank transfer kahit sa weekend at public holiday pero ang processing nito ay 1-2 working days. • Siguraduhing verified na ang iyong ShopeePay account para makapag-bank transfer via ShopeePay. • Ang minimum amount ng bank transfer ay Php 1.00. • Mayroong charge na P15 admin fee para sa lahat ng gagawing bank transfer, maliban sa libreng transfers sa iyong linked Seabank account. |
ShopeePay Bank Transfer Troubleshooting
• Kapag may lumalabas na pop-up message na humihingi ng Verified bank account, i-refresh lamang ang Shopee App at i-check muli ang iyong bank account details
• Kapag hindi mo pa rin natanggap ang bank transfer funds sa loob ng 1-3 working days, ito ang mga posibleng dahilan:
- Hindi tama ang iyong bank account. Pag ganito, ino-notify ka ng Shopee para itama ang iyong bank account details.
- Nag-transfer ka sa maling bank account. Kapag non-existent ang bank account, maka-cancel ang bank transfer. Pero kung existing ang bank account, maaaring na-send mo yung funds sa maling bank account. Kakailanganin mong tumawag sa iyong bangko para makuha ang funds.
• Kung may iba pang unexpected error o isyu sa bank transfer process mo, basahin ang basic troubleshooting tips.
• Kung wala sa mga nabanggit na troubleshooting tips ang solusyon sa iyong issue, kontakin lamang ang Shopee Customer Service.