For the English version of this article, click here.
Narito ang mga epektibong supporting documents na maaaring maging matibay na ebidensya para sa mas maayos na imbestigasyon ng iyong return and refund request:
Mismong inorder na (mga) produktong may problema
Litrato o video ng iyong order kung saan ipinapakita ang sira nito nang ito ay matanggap.
Detalyadong pagsasalarawan ng sira sa iyong order na makakatulong para sa mas malinaw na desisyon.
Air waybill na nakadikit sa natanggap na parcel
Litrato o video na nagpapakita ng Air Waybill na nakadikit pa sa parcel bago pa ito buksan.
Ang mga sumusunod ay dapat na nababasa sa Air Waybill:
Last Mile Tracking Number [Required]
Order ID o Number
Pangalan ng Buyer
Address ng Buyer
Mga detalye ng Seller
Mga barcode na hindi pa burado at maaari pang ma-scan
⚠️ Tandaan Narito ang ilan sa mga tuntunin sa pagsa-submit ng supporting documents: • Ang file size limit ay 10 MB sa bawat litrato, at 30 MB (up to 1 min) bawat video • Mag-submit ng maayos at malinaw na ebidensya (hindi malabo o pixelated) • Magbigay ng close-up na litrato na nagpapakita ng damage o sira ng item • Kailangang mag-upload ng video ng item na nagpapakita na hindi nga ito gumagana • Mag-screenshot ng chat history o iba pang nagpapakita ng negotiation sa Seller, kung mayroon man. |
Ang mga effective supporting documents ay nag-iiba depende sa piniling return/refund reason.
Sa ibaba ay ang detalyadong listahan ng mga kailangang ebidensya base sa reason na iyong pinili:
Parcel not delivered (hindi natanggap)
Hindi kailangang magpakita ng anumang ebidensya ang buyer. Ang imbestigasyon ay magiging sa pagitan ng Shopee at ng Logistics Provider. Maaaring hingian lamang ng litrato ng 1 valid government ID ang buyer kung kinakailangan.
Damaged item (Sirang item)
[Required] Litrato at/o video ng item kung saan ipinapakita ang pisikal na sira nito (basag, defects).
[Required] Litrato o video na nagpapakita ng Air Waybill na nakadikit pa sa parcel bago pa ito buksan. Tiyakin an ang Air Waybill (AWB) ay nababasa pa.
Product is defective or does not work (hindi gumagana)
[Required] Video ng produkto kung saan ipinapakitang hindi ito gumagana nang maayos (hal. electronic device na hindi gumagana kahit pa isaksak ito sa power source o lagyan ng baterya).
[Required] Litrato o video na nagpapakita ng Air Waybill na nakadikit pa sa parcel bago pa ito buksan. Tiyakin an ang Air Waybill (AWB) ay nababasa pa.
[Optional] Litrato o video na nagpapakita ng IMEI/Serial number ng produkto
Expired product
[Required] Litrato o video na nagpapakita ng expiration date ng (mga) item na natanggap
[Required] Litrato o video na nagpapakita ng Air Waybill na nakadikit pa sa parcel bago pa ito buksan. Tiyakin an ang Air Waybill (AWB) ay nababasa pa.
Missing part of the order (hindi kumpleto o may nawawala)
[Required] Litrato o video na ipinapakita ang condition ng packaging ng parcel pagbukas mo nito.
[Required] Litrato o video na nagpapakita ng Air Waybill na nakadikit pa sa parcel bago pa ito buksan. Tiyakin an ang Air Waybill (AWB) ay nababasa pa.
[Optional] Screenshot ng listing ng Seller na ipinapakita ang dami ng dapat matanggap ng Buyer.
[Optional] Litrato ng Air Waybill (AWB) sa parcel na ipinapakita ang laman/timbang nito.
[Optional] Litrato o video na ipinakita ang kondisyon ng panloob na balot ng parcel pagkatanggap nito.
Seller sent wrong item (maling produkto ang ipinadala)
[Required] Mga litrato at/o video ng natanggap na parcel at nilalaman nito.
[Required for wrong sizes] Litarto ng produkto habang sinusukat ng isang measuring tool (mula sa magkabilang dulo) kung mali ang size nito.
[Required] Litrato o video na nagpapakita ng Air Waybill na nakadikit pa sa parcel bago pa ito buksan. Tiyakin an ang Air Waybill (AWB) ay nababasa pa.
Counterfeit product (mga pekeng produkto) - para sa MALL ORDERS lamang
[Required] Litrato o video na nagpapakita na ang (mga) produkto ay kumpleto at nasa maayos na kondisyon
[Required] Litrato o video na nagpapakita ng Air Waybill na nakadikit pa sa parcel bago pa ito buksan. Tiyakin an ang Air Waybill (AWB) ay nababasa pa.
⚠️ Tandaan • Para sa non-receipt cases, ang Buyer ay maaaring hingian ng mga dokumento tungkol sa kaniyang identification. Iche-check ng Shopee ang Seller at ang logistics partner para imbestigahan ang issue. • Kung ang Seller ay nakapagbigay ng valid proof of shipment o kung ang item ay in transit pa lamang, ang return/refund request ay mare-reject. Kung ang item ay lost in transit, ang Buyer ay mare-refund. |
Alamin kung paanong mag-upload ng litrato/video galing sa iyong device papunta sa Shopee App, kung bakit di makapag-upload ng litrato/vide sa Shopee App at paano i-track ang returned order.