For the English version of this article, click here.
Ang COD (cash-on-delivery) payment method ay maaaring hindi available sa iyong Shopee account dahil sa mga sumusunod:
1. Nag-reject ka ng COD orders nang dalawang beses o higit pa sa nakaraang 90 na araw. Masususpinde ang payment option na ito sa loob ng 90 na araw. Nangyayari ang mga failed transaction dahil sa pag-tanggi at hindi pag-tanggap ng order pagkatapos ng pangalawang delivery attempt.
⚠️ Tandaan • Upang magamit muli ang COD, maaaring magpa-reactivate ng COD payment option matapos ang 90 days mula sa unang beses ng failed COD order na tagged as invalid or canceled. Pansamantala, pwedeng gamitin ang iba pang mga Shopee-supported payment method. • Pag hindi mo pa rin magamit ang COD option 24 hours matapos ang 90-day suspension, maaari mong subukan ang basic troubleshooting. • Kapag palaging nag-multiple failed deliveries ang iyong COD order, ito ay magre-resulta ng hindi paggamit ng COD para sa payment option sa susunod. |
2. Hindi available ang COD sa store o ito ay naka-disable. Maaari mong kausapin si Seller para i-enable nila ang COD as payment method. Tandaan na ang COD ay available lang sa mga Shopee-integrated courier.
Kung ikaw ay isang seller, basahin kung anong dapat gawin pag wala ang COD toggle.
3. May na-detect na suspicious activity nung nag-order ka gamit COD. Kontakin ang Shopee Customer Service kung hindi ka sigurado kung bakit ito ay nangyari.
4. Non-serviceable ang iyong location o unsupported ang iyong address. Nakadepende sa delivery matrix ng courier ang availability ng COD.
5. Ang pag-checkout ng multiple orders na may iba’t ibang shipping option ay hindi available. Lahat dapat ng order sa isang checkout ay pwedeng gamitan ng COD as payment method. Kung hindi ito available kahit sa isa man lang sa mga order, hindi magiging available ang COD as payment method sa checkout na iyon.