For the English version of this article, click here.
Kung biglang nagbago ang iyong isip pagkatapos mag-order dahil sa paghahanap ng mas magandang deal sa ibang lugar o hindi na kailangan ang produkto o nag-order ka ng maling item. Maaaring hintayin ang order na dumating at mag request ng return/refund.
Ito ang mga kadahilanan kung bakit di ma-cancel ang order:
1. Ang parcel ay na-pick up na ng courier
Ito’y nangangahulugan na inayos na ng seller upang ipadala ang iyong order, o kaya’y nasa delivery na ito. Kung gusto mo pa ring i-cancel ang order, maaaring mag-request sa seller ng manual cancellation. Alamin kung gaano katagal dadating ang iyong order.
2. Nakapag-request ka na ng cancellation sa parehong order
Isang beses lamang maaaring mag-request ng cancellation sa order.
3. Ang parcel ay kasalukuyang pabalik na sa seller.
⚠️ Tandaan • Hindi mo kailangan i-cancel ang iyong order kung nais palitan ang iyong delivery details. • Pag hindi na-ship on time ang iyong parcel, automatic itong maka-cancel. Ang mga non-COD order ay mare-refund. • May dalawang (2) attempt ang Seller para i-ship ang iyong order. • Ang Days-To-Ship ng mga item na tagged as Pre-order ay 7 hanggang 30 na araw. |
Alamin kung paano mag-cancel ng order at kung bakit automatically cancelled by Shopee ang iyong order.