Hi, how can we help?

[Return Refund] How long will it take for me to receive my refund? (TAG)

For the English version of this article, click here



Ang proseso ng refund ay nakadepende sa item/service na binili, kung ito ba ay physical products o perishable goods.

 

Matapos na ma-approve ang iyong request, ang refund ay ipapasok depende sa payment method na iyong ginamit:

 

Ginamit na Payment Method

Kailan makukuha nag refund?

Credit Card/Debit Card/Google Pay 

Papasok ang iyong refund sa loob ng 5- 45 business days, depende sa billing cycle ng iyong card.

ShopeePay, Cash-on-delivery (COD), and Other Payment Channels

Papasok ang refund sa inyong ShopeePay account sa loob ng 24 - 48 na oras para sa mga regular na refund at 4 - 7 na araw para sa mga partial refund.


Maaaring gamitin ang refund para sa mga susunod na bibilhin o i-withdraw ito papunta sa inyong bank account (tiyaking updated ang inyong bank details). 

Basahin ang additional information tungkol sa mga refund gamit ang ShopeePay.

SeaBank

Papasok ang refund sa inyong SeaBank account sa loob ng 24 - 48 na oras para sa mga regular na refund at 4 - 7 na araw para sa mga partial refund.

SPayLater

Para sa mga mga order na binayaran gamit ang SPayLater, ang refund ay direktang ibabalik sa iyong SPayLater wallet matapos ang processing. 

Papasok ang refund sa loob ng 24 - 48 na oras kung ikaw ay nag-request sa loob ng Shopee Returns Window. Para naman sa manual refunds, ang processing ay maaaring umabot nang 5 - 7 business days.


⚠️Tandaan

Para sa mga full amount refund, magre-reflect ito sa inyong SPayLater wallet at ang mga adjustment ay magre-reflect sa inyong mga susunod na billing. 

Para sa mga partial refund, ang principal loan amount lang ang mare-refund sa inyong SPayLater wallet.

Combined payment (SPayLater + other payment methods)

Ang amount na binayad gamit ang SPayLater ay papasok sa iyong SPayLater wallet pagkatapos itong maproseso.


Ang remaining amount na binayaran gamit ang ShopeePay/Linked BPI account/E-wallet/COD/Online Banking ay mare-refund sa iyong ShopeePay wallet.

 

Makatatanggap ka ng in-app notification at email sa sandaling maproseso na ang iyong refund. 



Basahin ang additional information tungkol sa pag-refund ng mga canceled order.

Was this article helpful?
Yes
No