For the English version of this article, click here.
Tandaan na ang mga request na hindi sumunod sa Return and Refund Policy ng Shopee ay hindi eligible sa return/refund.
Para sa orders na successfully delivered, ang Order Received at Return/Refund buttons ay greyed out dahil ang shipping information status ay maaaring hindi pa updated. Maghintay lamang ng 24 - 48 oras para ma-update ng courier ang status ng order.
Kung hindi nakapag-request ng return/refund sa loob ng allowable time frame, ang Return/Refund button ay hindi na mapipindot at ito ay automatic na ituturing bilang Order Received.
Kung ang order ay hindi pa na-receive:
Para sa Paid o Non-COD orders na may pa-expire na Shopee Returns Window, sundin ang mga hakbang sa kung ano ang posibleng gawin habang di pa dumadating ang order.
Para sa COD orders, hindi maaaring mag-refund dahil hindi pa bayad ang order.
Kung nais mong mag-return/refund ng item, siguraduhin na ang mga sumusunod na conditions ay nakamit. Tandaan na ang mga condition sa pag-request ng return/refund ay depende sa kung saan binili ang iyong order:
Return Guidelines para sa mga Shopee Mall product
Kung ang buyer ay nag-request ng Refund Only, ang seller ay kailangang sumang-ayon sa request na refund ng buyer.Gayunman, kung ang seller ay nag-submit ng dispute, ang Shopee agent ay mamamagitan sa sitwasyon. Depende sa resulta ng investigation, ang buyer ay maaaring pakiusapan na ibalik ang item kahit na ang pinili niya ay Refund Only.
Para sa Shopee Mall returns, sundin lamang ang Return & Refund Guidelines para sa Shopee Mall products.
Ang Change of Mind ay applicable para sa piling produkto na mayroong Change of Mind label. Alamin dito ang tungkol sa pag-file ng Change of Mind Returns.
Ang mga sumusunod na conditions ay nag-a-apply sa Digital Products:
Ang order ay successful ngunit di ko nakuha ang inaasahang promotion
Hindi na receive ang top-up
Maling amount ng top-up ang natanggap
Ang return/refund request ay tatanggapin lamang kung ito ay pasok sa loob ng Shopee Returns Window.
Para sa request para sa Return/Refund dahil sa Change of Mind, tandaan na hindi maaaring i-return ang mga personal items gaya ng undergarments, innerwear, swimsuits, used makeup, perishable goods, grocery items, jewelry (earrings), at adult products.
Para sa mga items na binili ng naka-Bundle Deals, ang return/refund ay applicable lamang para sa buong bundle. Ang partial request ay pinagbabawal kung hindi ibabalik ang buong bundle at kung mayroon sa bundle na nais ibalik.