For the English version of this article, click here.
Ang Shopee Customer Service ay maaaring makontak gamit ang sumusunod na channels:
• Chat via App: 24/7
• Internet Call via App: Araw-araw 7:00 AM hanggang 7:00 PM
⚠️Tandaan • Para sa mga katanungan tungkol sa ShopeePay, kontakin ang aming ShopeePay Customer Service. |
Gamit ang Chat
Para mag-chat, pumunta lamang sa Me tab > Chat with Shopee > at maaari nang makipag-usap.
Gamit ang Internet Call o In-App Call
Pumunta sa Me tab > piliin ang Help Centre > mag-scroll down at pindutin ang Internet Call > piliin kung ikaw ay Buyer o Seller > pumili sa mga sumusunod na concern at ikokonekta ka na sa Shopee Customer Service.
⚠️Tandaan • Para makatawag, siguraduhing naka log-in ka sa iyong Shopee mobile app. • Tiyakin na naka-enable ang microphone permissions bago gamitin ang internet call. Para i-enable ito, pumunta sa phone settings at i-allow ang microphone para sa Shopee app. • Para sa ibang issues tungkol sa iyong order, pakibigay ang inyong Shopee username at Order ID para sa mabilis at maayos na pagproseso ng inyong concern. |
Alamin kung paano i-view ang status ng iyong enquiries sa Shopee App.