For the English version of this article, click here.
Maaari kang makakuha ng Shopee Coins kapag ginawa mo ang mga sumusunod na action sa Shopee app:
1. Kumpletuhin ang isang order gamit ang Coins Cashback voucher
Kapag gumamit ka ng Coins Cashback voucher, ang dami ng coins na makukuha ay ibabase sa final purchase amount ng iyong inorder pagkatapos mag-redeem ng coin at maibawas ang iba pang mga discount.
⚠️Tandaan Ang shipping fees ay hindi ibibilang sa iyong coin rewards. |
2. Pumunta sa Coins Rewards page
Maaari ka ring mag-check in araw-araw sa Coins Rewards page upang makakuha ng coins. Maaari kang makakuha ng mga karagdagang Coins sa consecutive daily check-ins.
3. Maglaro ng mga games sa Shopee Prizes
4. I-rate ang product
Maaari kang mag-submit ng rating na higit sa 50 character, na may mga larawan at video upang makakuha ng hanggang 0.4 Shopee Coins.
⚠️Tandaan Ang pag-edit ng rating ay hindi ibibilang bilang karagdagang rating. |
5. Magbayad sa isang ShopeePay merchant na nago-offer ng Coins cashback
Makikita mo ang naipong Coins Cashback sa iyong ShopeePay Payment Details page.
⚠️Tandaan |
6. Sumali sa Shopee Live sessions na nagbibigay ng Coins
Abangan ang Coins label sa Shopee Live page para malaman kung sinong mga seller ang namimigay ng coins sa kanilang Livestream session.
Ang Shopee Coins ay ike-credit sa iyo kapag nakumpleto ang isang transaksyon o order. Upang tingnan ang mga coin na nakuha mula sa isang order na hindi mo pa natatanggap, maaari mong tingnan ang Order Details page sa pamamagitan ng pagpunta sa Me tab > To Ship/To Receive > Piliin ang order > Tingnan ang Shopee Coins to be earned.
Walang minimum amount ng Coins ang kailangan bago ito magamit at maibawas sa halaga ng iyong bibilhin. Gayunman, mayroong limit sa amount ng coin na maaaring makuha at gamitin.
Maaaring makakuha ng 1 Shopee Coin sa bawat Php 100 spent sa transactions na merong cashback promotion. Ang amount ng Coins na makukuha ay limitado depende sa type ng transaction:
| Maximum Coin earnings per transaction | Maximum Coin earnings per day | Maximum Coin earnings per week |
Payments to ShopeePay merchants | N/A | Up to 10 | N/A |
Purchase of Digital Products (such as e-vouchers) | 0 | 0 | 0 |
Purchase of ShopeePay Scan & Pay vouchers | 0 | 0 | 0 |
⚠️Tandaan Ang amount ng Coins na pwedeng makuha galing sa cashback promotion ay nakadepende sa kanilang terms and conditions, at hindi restricted ng mga limits. |
Bawat 1 Shopee Coin na nakuha ay katumbas ng Php 1 kapag ginamit mo ang mga ito upang ibawas sa halaga ng iyong transaksyon. Depende sa uri ng iyong transaksyon, ito ang mga limits sa paggamit ng Shopee Coins sa iyong total transaction amount:
| Maximum coin usage per transaction | Maximum coin usage per day | Maximum coin usage per week |
Orders on Shopee | 25% of transaction amount | 200 | 600 |
Payments to ShopeePay merchants | 25% of transaction amount | 10 | 70 |
Purchase of Digital Products (such as e-vouchers) | 20% of transaction amount | 200 | 600 |
Purchase of ShopeePay Scan & Pay vouchers | N/A | N/A | N/A |
Kung hindi mo pa natatanggap ang iyong Shopee Coins, maaaring ito ay dahil sa alinman sa mga sumusunod:
Ang iyong payment ay hindi secure ng Shopee Guarantee.
Ang iyong transaksyon ay di kasama sa Cashback promotion.
Hindi kumpleto ang iyong order.
Ang iyong Coins Cashback voucher ay hindi matagumpay na nailapat sa pag-checkout.
Ang iyong order ay nasa ilalim ng kategorya ng Mga Ticket at Voucher.
Natukoy ng system na ang mga order ay lumabag sa mga regulasyon ng Shopee.
Ang rating/review ng produkto ay hindi nakakatugon sa pamantayan, o na-flag bilang spam.
Para sa karagdagang tulong, makipag-ugnayan sa Customer Service ng Shopee.