For the English version of this article, click here.
Ang mga buyer ay may 3 shipping options (Pick Up, Drop Off, or Self Arrange) na pagpipilian kung nais na magsauli ng order. Maaari mong i-track ang iyong return parcel gamit ang Shopee App.
⚠️ Tandaan · Para sa Self Arrange, hindi mata-track ng Shopee ang iyong shipment. Siguraduhing makipag-ugnayan nang mabuti sa napiling logistics provider. · Tiyakin ding suriin ang mga available na branches bago pumunta sa Drop Off Point ng napiling courier. · Iwasang ibigay ang iyong order sa Drop Off points na hindi nakalista sa branch locations. · Para sa mas madaling return/refund, maaari mo ring piliin ang Change to home pickup. · Para sa mga item na nai-tag na Order Received ng seller kahit hindi pa naipapadala ang return, dapat kang humingi ng proof of delivery sa Shopee Customer Service. · Kung ang piniling return shipping method ay Self Arrange, malamang na hindi naka-integrate ang courier services nito sa Shopee. Bisitahin ang website ng napiling courier para ma-track ang parcel na isinauli. |