Hi, how can we help?

Other FAQs related to Returns via SPX Express in Return & Refund (TAG)

For the English version of this article, click here.



Q: Kailangan ko bang magbayad ng return shipping fee?

A: Hindi. Libre ang returns gamit ang SPX Express Pick Up. Kung pipiliin ang Self Arrange, kailangan munang sagutin ang return shipping fee, na maaaring ma-reimburse kapag nakumpleto na ang refund process.



Q: Maaari ba akong gumamit ng SPX Express para mag-return ng bulky item?

A: Oo. Tumatanggap ang SPX Express ng return parcels na pasok sa mga sumusunod na weight at dimension limits:

  • Pick Up: Hanggang 20 kg (hindi lalampas sa 100 cm ang bawat side)

  • Drop Off: Hanggang 50 kg (hindi lalampas sa 150 cm ang bawat side)



Q: Bakit hindi ko makita ang SPX Express bilang return shipping option?

A: Available lamang ang Pick Up sa mga piling serviceable areas at para sa parcels na pasok sa allowed size at weight limits. Kung hindi ito available, maaaring piliin ang Drop Off o Self Arrange.



Q: Bakit hindi ko mapili ang Pick Up pagkatapos baguhin ang aking return address?

A: Maaaring hindi sakop ng serviceable area ang napili mong address. Kung may lumabas na error, pumili ng ibang eligible pickup address para magpatuloy.



Q: Kailangan ko bang mag-provide ng sarili kong packaging materials?

A: Oo. Inirerekomenda naming gamitin muli ang original packaging upang masigurong secure ang iyong return parcel.

  • High-value, fragile, o boxed items: Gamitin ang original box packaging.

  • Damaged o opened pouches: Maaaring gumamit ng ibang secure packaging materials.

Maaaring hindi tanggapin ng SPX Express ang parcels na hindi maayos ang packaging.



Q: Paano ko lalagyan ng label ang aking return parcel?

A: Maaaring i-print ang Air Waybill (AWB) at idikit ito sa iyong parcel. Kung walang printer, isulat nang malinaw ang Tracking Number na makikita sa Return/Refund Details page direkta sa iyong parcel.



Q: Ano ang kailangan kong ipakita sa SPX Express rider during pickup?

A: Ipakita ang QR code mula sa iyong Return/Refund Details page para ma-scan. Kung hindi ito available, ibigay ang iyong Tracking Number para sa manual entry.



Q: Maaari ko bang i-cancel ang aking return request kung papunta na sa seller ang parcel?

A: Hindi. Maaari lamang i-cancel ang return request kung nasa iyo pa ang parcel.



Q: Ano ang mangyayari kung hindi ako available during pickup?

A: Magkakaroon ng second pickup attempt ang SPX Express rider. Pagkatapos ng 2 failed attempts, makakansela ang iyong return/refund request. Maaaring mag-submit ng bagong request kung ang iyong order ay nasa loob pa ng Shopee Returns Window.



Q: Ano ang dapat kong gawin kung hindi dumating ang SPX Express rider sa scheduled Pick Up date?

A: Maghintay hanggang sa susunod na araw. Kung hindi pa rin dumating ang rider, maaaring i-cancel at mag-submit ng bagong return request, basta nasa loob pa ng Shopee Returns Window ang iyong order. Magiging available muli ang Return/Refund button sa loob ng 24 hours pagkatapos ng cancellation.



Q: Kailangan ko bang i-upload ang aking SPX Express waybill?

A: Hindi. Automatic na ina-update ng SPX Express ang iyong return status pagkatapos ng pickup. Kung hindi pa rin updated ang status sa loob ng 24 hours, makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service.



Q: Maaari ko bang baguhin ang napili kong pickup date?

A: Oo. Sa Return Instructions page, piliin ang CHANGE > Piliin ang iyong pickup address at bagong date > I-confirm ang iyong booking. Mag-generate ng bagong Tracking Number. Siguraduhing i-update ang tracking number na nakasulat sa iyong parcel.

 

⚠️ Tandaan

Isang beses lamang maaaring baguhin ang iyong return shipping option. Kung mag-switch mula Drop Off papuntang Pick Up, final na ang pagbabago.

 

 

Alamin pa kung paano mag-file ng return and refund request at matanggap ang iyong refund.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied